Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Healthy smoothie na pampapayat at pampagatas

0 279

Nagsimula lang sa pansariling gamit, ngayon ay isa na itong business!

Bagong mommy si Kei Manio at gusto sana niyang magbawas ng timbang makaraang ipanganak niya si baby number 2. Nag-oatmeal diet siya kapalit ng rice para matanggal ang kanyang extra preggy fats.

Nagulat siya nang lumakas ang kanyang breast milk sa oatmeal diet. Nag-research siya tungkol sa biglang paglakas ng kanyang gatas, at natuklasan niyang may mga pagkain talaga na may galactagogues o nakakalakas ng produksyon ng gatas ng ina.

“Naisipan ko mag-online business that offers lactation smoothies because wala pa sa market. Because of the effectiveness sa akin (I’m exclusively breastfeeding my 8 months baby, no formula since birth) lumakas yung loob ko na bebenta sya sa mga nanay.”

Pero hindi lang ito pang-nanay. Puwede ito kahit kanino, kahit sa lalaki at kahit nga sa mga bata, na naghahanap ng masarap at healthy na smoothie, na nakakabawas pa ng timbang dahil madaling makabusog.

“It is handcrafted for nursing mamas, pero anyone can drink the smoothies specially kids because it is healthy, contains high fiber ingredients that is good for metabolism. It is also rich filling so perfect to incorporate in everyone’s diet specially sa mga gusto maging fit. It makes you feel full, longer than usual,” ayon kay Kei.

Natikman ko ang kanilang mixed berries, tropical moringa, apple cinnamon, nutty choco at banana oats na ipinadala sa akin ng aking best friend na tita ni Kei na si Joan Marie Gepte. Ang sarap ng pagkakahalo ng oats at gatas at ang natural na ingredients na kalahok dito. Ang favorite ko ay ang Mix Berries na inilagay ko muna sa freezer at kinain na parang ice cream.

Sa darating na Mother’s Day, magkakaroon sila ng summer melon at creamy avocado.

Si Kei ay 31 years old na dating OFW na nagdesisyong i-business ang kanyang oats smoothie na tinawag niyang Oats and Milk Manila.

“Because of COVID I cannot go back to work sa hotel so besides handling the household and taking care of 2 kids I want something for myself na magiging productive at creative pa rin ako as a career woman.”

Lahat ng ingredients ay natural, at mga prutas ang ginagamit niyang pampalasa at pampatamis. Walang white sugar at maple syrup ang kanyang pandagdag tamis.

Tingnan ang kanilang social media accounts
Facebook @ Oats and Milk MNL
Instagram @ oatsandmilk.manila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.