Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hearing sa Pampanga ng `Ninja cop’ leader, tablado sa Senado

0 289

Tinanggihan ng Senate blue ribbon committee na palabasin ng kulungan ang diumano’y lider ng tinaguriang lider “ninja cops” na si Police Major Rodney Baloloy para dumalo sa hearing sa korte sa Pampanga.

Ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng komite, sumulat umano ang mga awtoridad sa Pampanga at hiniling na kung maari’y payagang makalabas si Baloloy mula sa kanyang kulungan sa New Bilibid Prison (NBP) para tumestigo sa korte.

“The committee is not disposed, as far as I know, to release him,” pahayag ni Gordon sa online interview ng mga reporter.

Si Rodney ay pinakulong ng Senate blue ribbon committee noong Oktubre 2019 dahil sa pagiging mailap nito sa mga tanong sa pagdinig ng kontrobersiyal na “ninja cops”.

Sinasabing lider ito ng anti-drug operation sa Mexico, Pampanga noong 2013 kung saan siya at 12 pang pulis Pampanga ay kinasuhan ng grave misconduct dahil sa pag-recycle at pagbenta ng nakumpiskang 162 kilo ng shabu. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.