Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart ayaw pakabog kay Kris

0 483

Nag-audition si Heart Evangelista sa hit Hollywood movie na Crazy Rich Asians pero hindi niya nakuha ang role.

Sa halip, si Kris Aquino na kaisa-isang Pinay sa cast ang nagkaroon ng cameo role bilang Princess Intan na pinag-usapan ang naging partisipasyon.

Sa isang panayam, inamin ng Kapuso actress na may ipinagmamalaki naman siyang Hollywood movie na kinunan sa China.

“I did not shoot ‘China Rich Girlfriend’ in China but I did another movie. It’s a Hollywood movie but honestly I don’t know what’s happening because of the pandemic but tinapos namin ‘yung movie,” ani Heart.

Dahil sa Covid-19 pandemic, hindi rin niya masabi kung kailan ito ipapalabas.

“I’m not really sure. The premiere is supposed to be in China and LA but because of what happened, naka-wait pa kami,”paliwanag niya.

Kabogera raw ang role niya rito dahil first time niyang magkaroon ng fight scenes sa isang international movie.

“It was an experience. I never did anything like it. It was action, bloody. It was first time na nakipag-fight scene ako, suntukan. It was a good experience,” bulalas niya.

Nakuha raw niya ang naturang role sa tulong ng isang kaibigan na nagpayo sa kanyang mag-audition online.

Dahil kinarir na magkaroon ng international movie ,may mga nang-uurot na ayaw daw talagang pakabog ni Heart kay Kris, na hamak na mas malaki ang role sa Hollywood movie nito kumpara sa huli.

Derek may pasaring kay Andrea

Hindi pa ring natitigil ang palitan ng patutsadahan sa mag-ex na sina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Ito ay sa kabila na malapit nang ikasal ang Kapuso hunk actor sa fiancée nitong si Ellen Adarna.

Pagkatapos isiwalat ni Derek sa isang panayam na siya ang nakipag-break sa ex at nangyari ang lahat sa kanilang usapan sa telepono, nagbigay naman ng ibang bersyon niya si Andrea at sinabing iba ang naaalala niyang nangyari noong sila ay magkahiwalay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayaw pa ring paawat si Derek dahil may pa-cryptic post naman ito sa kanyang Instagram account na : ““Did you know that some people hate you because somebody lied to them about you.”

Analisa ng ilang kibitzers, pasaring daw ito kay Andrea dahil parang siya ang nahuhusgahang kontrabida sa kanilang hiwalayan.

Parang ibig ipakahulugan din daw nito na marami ang nagagalit sa kanya dahil hindi raw nagsasalita ang Kapuso actress sa real score ng kanilang breakup.

Ibig bang sabihin ay playing pa-victim ang aktres lalo pa’t may mga patutsada rin sa kanyang post about karma sa actor.

Pagtatanggol din daw ito ng actor sa kanyang sarili na dahil sa nabansagang womanizer ay tila dehado rin sa panghuhusga sa kanila ng mga netizen. Sa lipunan pa namang ito ay malaki ang simpatiya ng mga ina at kababaihan.

Tony napraning sa virus

Sa finale press conference ng Bagong Umaga, isiniwalat ni Tony ang kanyang naging ordeal sa pakikipaglaban sa Covid.

“I’m not sure if I’m allowed to say this, but the show is about to finish, I don’t think they can get mad at me for this. But halos lahat kami COVID survivors. Am I allowed to say that?” bungad ni Tony.

Akala ng iba ay mananatili nang sikreto ang kaniyang pinagdaanan. “We’re working in a time of pandemic and it happens. But God is good and we all survived so that was pretty unforgettable. But I want to reiterate, prod took really, really good care of us. Without them, we would be nowhere so I’m sorry shucks, I don’t want to get into trouble,” pahayag niya.

Challenge rin daw na nagtratrabaho sila sa panahon ng pandemya.

“Nakaka-praning siya kasi I had a friend who survived COVID and yung sinabi niya sa akin nung nag-recover na ako, ‘Tony, alam mo ba na ito na yung second life mo? Kasi when people get COVID, it’s either they live or they die. Dalawa lang yun eh.’ So it’s crazy na kasama na ako sa statistics. Nakaka-praning siya but I’m just really thankful that I recovered really fast,”bulalas niya.

Nagpapasalamat na lang daw siya na hindi sila pinabayaan noong entire production team nang magka-Covid sila.

“Sila talaga yung naging family namin so parang sila talaga yung nag-alaga sa amin, made sure that we got home safe and that we had the proper meds, the doctors were always taking care of us so nakatulong talaga yun. We were all handling it like a family para no one felt left out and no one felt alone,” sey ni Tony.

Malaki rin ang pasasalamat niya na pagkatapos na ideklara siyang Covid-positive ay nag-negative na siya sa ika-12 araw.

Leave A Reply

Your email address will not be published.