Abante Tonite Interactive

Heart bilib kay Kim

0 447

NI: RONA RONDA

Mula sa nag-trending na statement ni Kim Chiu sa pagsasara ng ABS-CBN, sinakyan na lamang niya ang lumabas na viral song mula rito. Ipinost ng aktres ang kanyang mas pinagandang bersyon sa kanyang Youtube Channel.

Umani naman ito ng positibong reaksyon mula sa mga netizen. Maging sina Heart Evangelista at Chiz Escudero ay pinuri ang aktres sa pag-handle niya sa kanyang mga basher.

Ani Heart, “We love you @prinsesachinita. At the end of the day, you can never put a person with a good heart down.”

Sey naman ni Chiz “This how to handle and do it! Congrats ⁦@prinsesachinita⁩ You just showed everybody how to turn lemons into lemonade! Kudos to you!”

Nagpasalamat naman ang aktres sa mag-asawa.

Sa kanyang recent vlog, pinuri naman ni Kim ang mga Pinoy na hindi nakakalimutang tumawa sa kabila ng pandemya.

Aniya, “Gusto ko lang magpasalamat sa lahat. Lets spread love, kindess and positivity. Good vibes lang ang pwede sa classroom! Tama? Tama.”

Tonite – Wendys Inhouse Ad