Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart binida ang P20 na damit

0 112

NI: VINIA VIVAR
Pinagkaguluhan na naman ng netizens ang IG post ni Heart Evangelista na suot niya ang ukay-ukay na damit na nabili niya sa halagang 20 pesos.

Sa larawan, Heart was wearing a black blouse and a black and white polka dots skirt at hindi mo naman talaga mahahalatang sa ukay-ukay lang ito nabili.

“Would you believe I got this lovely dress for only 20 pesos? 😱 So much love for ukay-ukay shopping! 🥰 I’ve been into thrift shopping for the longest time, which is why I made sure to share my tips and tricks on my latest vlog just for you guy,” caption ni Heart.

Puring-puri ng kanyang followers kung gaano ka-elegante magdala ng damit si Heart at may nagkomento pa na nag-mukha raw Chanel ang damit.

“Everything you wear kahit mura mukhang mahal 😂🤍 Love ya ate Hearty!” komento nga ng isang netizen.

May nagtanong naman kung hindi ba siya natatakot mag-suot ng ukay-ukay at paano raw kung may body odor or patay na ang dating may-ari.

Well, naibahagi na ni Heart sa kanyang YouTube vlog na nagi-spray siya ng holy water sa mga ukay-ukay finds niya para maitaboy ang bad vibes kung meron man.

Leave A Reply

Your email address will not be published.