Abante Tonite Interactive

Heart bokya ang TV career

378

tonite-imo-vinia-vivarMasayang-masaya na si Heart Evangelista sa buhay niya ngayon matapos ng unos sa buhay niya last year. Ayon sa aktres, ang asawa niyang si Chiz Escudero ang unang-unang dahilan kung bakit nasa happy state siya ngayon.

“I’m so happy and it goes back to my husband. I’m so blessed to have him kasi, sobrang parang he made me into a better person and I feel that I can conquer anything basta kasama ko siya. Sobrang supportive. Nakakatuwa. That’s why you have to merry the right one,” sey ni Heart.

Katulad nga niyan, aalis na naman siya next month para mag-shoot ng isa pang international film na ayaw pa niyang idetalye dahil hindi pa raw puwede.

Isang buwan din daw siyang mananatili sa US at bale ba ay campaign time pa naman ‘yun dahil tumatakbo nga si Chiz bilang Governor ng Sorsogon.

“Hindi rin naman siya ‘yung parang. . .ayaw din naman niya ng parang kailangang ‘yung asawa niya, nandoon. He also respects that. Ayaw naman niya na ganu’n, so I really appreciate that,” saad pa ng aktres.

Natutuwa rin siya na pati ang GMA-7 ay understanding din sa kanya.

“That’s why it was great that I’m with GMA kasi they understand na my job. Kasi before, parang they want me to prioritize soap, ganyan. But now they see the bigger picture. But now, they’re very supportive.”

Kaya for this year ay wala raw muna siya talagang gagawing drama series. Pero tuloy pa rin ang “Starstruck” niya kung saan ay isa siya sa judges.

Personal choice raw niya ito dahil gusto niyang mag-focus muna sa iba pa niyang ginagawa tulad nga ng international film.

***

Anak ni Gelli ‘di sagabal sa kalaswaan

Walang dapat ipag-alala si Gelli de Belen sa mga anak niya sa malalaswang language na mapapanood at maririnig sa pinagbibidahan niyang pelikula with Bayani Agbayani na “Pansamantagal.” Aniya ay puwede naman daw panoorin na ng mga anak niya dahil 18 and 20 na ang mga ito.

“Actually, kaya ko tinanggap. Siguro, if they were like 8 years old, I would probably have second thoughts, I’d probably consult Ariel (Rivera, her husband) kung pwede ko ba ‘tong tanggapin or something kasi maliliit pa sila. Pero ngayon, puwede na,” sey ni Gelli.

Si Bayani naman ay may anak na 22,18, 16 and 11 at bale ‘yung bunso nga lang ang hindi puwedeng makapanood. Nang matanong si Bayani kung ano ang sabi ng wife niya nang mabasa ang script, pagbibiro ng komedyante na tuwang-tuwa raw ang misis niya at nagtatakbo.

“Opo, nabasa niya, tuwang-tuwa po siya. Nag-all-white nga siya ng dress, tapos nagtatakbo siya sa dayamihan. Sabi niya, ‘eto na ang the best na ginawa mo.’ Tapos takbo siya nang takbo. Pinabayaan ko lang po siya. Bumalik siya 12 midnight,” sabi ni Bayani. Tawanan.

Pero sa seryosong usapan, sobrang thankful ng komedyante na naalok siyang muli ng lead role.

“Sabi ko nga, hindi pala dapat mag-isip ka kung ano ‘yung magi­ging plano mo sa buhay. Ang Diyos pala ang mag-iisip para sa’yo.

“Kasi, wala naman po akong plano, eh. Pati ‘yung ‘I Can See Your Voice’ na naging daan para makilala ulit ako sa TV, hindi po ako do’n regular, nag-guest lang ako, pagkatapos kinuha na ako.

“So, lahat ng plano sa buhay, mga pangyayaring magaganda sa buhay mo, ang Diyos ang talagang magpaplano para sa buhay mo. Ang maganda lang, habang nabubuhay ka, gumawa ka ng mabuti sa kapwa mo, at mahalin mo ‘yung pamilya mo, mahalin mo ang nanay mo, lahat ng tamang mangyayari sa buhay mo, paplanuhin Niya,” ani Bayani.

Dagdag pa niya, parang bonus na lang daw ang nangyayari ngayon sa buhay niya dahil alam naman daw niyang hindi naman siya mukhang artista at hanggang ngayon ay nagtataka pa siya kung paano siya naging artista.

Showing na sa March 20 ang “Pansamantagal” mula sa direksyon ni Joven Tan under Horseshoe Entertainment. Kasama rin sa movie sina DJ Chacha, Perla Bautista, Edgar Allan Guzman, Ronnie Lazaro at John Vic de Guzman.