Abante Tonite Interactive

Heart buntis na sa January 2018

203

GIFT daw ni Heart Evangelista-Escudero sa kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero noong nakaraang birthday nito ay ang magbuntis na siya next year. Planado na raw ito ni Heart kaya ang My Korean Jagiya ang last teleserye niya sa GMA 7 dahil gusto niyang mag-concentrate na sa pagbubuntis.

Gusto ni Heart na pagdating ulit ng birthday ni Chiz sa October 2018 ay naisilang na niya ang baby nila. Kaya dapat ay sa January 2018 ay buntis na siya.

“He gave me the freedom to choose kung kailan ko gusto mag-baby and he also agreed na we’ll just have one baby kasi may twins na siya.

“We decided to have one child na lang para ma-enjoy namin ang lahat ng time with him or her.

“We’re all excited for it to happen and we’re praying to the Lord that He will grant this gift for my husband,” ngiti pa ni Heart.

Sobrang masaya naman si Heart dahil sunud-sunod ang magandang ratings ng My Korean Jagiya. Kaya wala ring sawa si Heart na mag-show sa mga malls kasama ang leading man niyang si Alexander Lee.

“Sobra ang pagtanggap nila ng show namin ni Xander. Everywhere we have a mall show, jam-packed siya.

“Overwhelmed si Xander kasi dito lang niya nararanasan na ang mga fans umiiyak sa harapan niya.

“We promise more kilig moments sa My Korean Jagiya,” pagtapos pa ni Heart Evangelista-Escudero.