Abante Tonite Interactive

Heart-Chiz sa ‘Pinas na gagawa ng baby

544

tonite-pak-allan-dionesInamin ni Heart Evangelista-Escudero na dumanas siya ng depression nang malaglag pareho ang kambal na ipinagbubuntis niya earlier this year.

Sey ng actress-fashio­nista sa presscon niya kahapon for Kamiseta, never siyang na-depress sa buhay niya, noon lang magkaroon siya ng miscarriage.

Aniya, sa lahat ng heartaches niya ay ‘yun ang pinakagrabe kaya talagang hindi siya lumabas ng bahay nu’ng time na ‘yon last June.

“Kasi, I never really saw myself as a mom because I’m very career-oriented. But when I got pregnant, para akong na-magic spell!

“I was transformed talaga na, ‘Oh my God! I’m gonna be a mom!’ And then, biglang nawala. So, I was very, very heartbroken,” bulalas ng 33-anyos na aktres at fashion icon.

May vanishing twin syndrome daw si Heart, so nu’ng namatay ‘yung una sa twin babies niya nu’ng May, sinabi sa kanya ng doktor niya na malaki ang chance na ‘yung natirang baby ay magkaroon ng diperensiya o mahihirapan kung mabuhay man ito.

So, in a way, si Lord na raw ang nagdesisyon para rito at hindi na niya kinuwestyon pa si God.

At ang nangyari, two days after malaglag ang kanyang baby ay doon niya natanggap ‘yung tawag para sa “Crazy Rich Asians” fashion shoot niya sa Paris with “CRA” author Kevin Kwan.

Kaya muntik pa raw niya itong tanggihan dahil fee­ling down pa siya nu’ng time na ‘yon. Natuwa siyang ginawa niya ito dahil medyo na-stuck daw siya sa black hole for a time dahil sa masaklap na pinagdaanan niya.

Heart is a very positive person so, inisip na lang daw niya na pampabalanse lang ‘yun ng buhay.

Mga 2 or 3 months ago lang daw nawala ‘yung depression niya na ‘yon at ngayon ay okey na siyang pag-usapan lahat ito.

Ang sabi sa amin ni Heart, ngayon ay hindi na siya ganu’n ka-desperate to have a baby.

Hindi na rin niya pinaplano ito masyado. Okey lang siya kung kailan ito darating. Pero ita-try daw niya ulit next year.

Tiniyak kay Heart ng doktor niya na walang problema sa uterus niya kaya madali raw sa kanya ang mabuntis ulit. So, wala sa isip niya ang sumailalim sa anumang artificial procedure para lang ma-preggy.

Wala rin daw silang pa-honeymoon abroad ng mister niyang si Senator Chiz Escudero. Balesin na lang dahil dito lang naman daw siya nabuntis last time at hindi sa mga biyahe nila abroad ng mister niya.

***

Heart binalikan na ang pagpipinta

Huminto si Heart ng pagpi-painting niya nu’ng mawala ang twins niya. But after that ay back to normal na ulit siya and she’s now finishing her ne­west collection na next year na raw niya mabubuo at maie-exhibit.

Ang sariling collection of pain­tings na ‘yon ni Heart ang tampok sa LMxKamiseta (Love Marie for Kamiseta) kung saan ginamit ang art works niya sa mga damit ng Kamiseta na siya mismo ang nag-design.

Ngayong araw, November 21 ay available sa Kamiseta stores nationwide ang nasabing collaboration. Ani Heart, affordable ito pero high quality.

Natuwa siyang maisi-share niya sa lahat ang paintings niya. Very special daw sa kanya na mai-print ito sa dresses and shirts, pati na sa postcards at stationery na gawa ng Kamiseta.

Samantala, sa mga nagtatanong kung may chance pa na mapasama siya sa mga susunod na mga installment ng movie na “Crazy Rich Asians”, ang sabi ni Heart ay para sa unang film lang siya nag-audition at ‘yun na ‘yon.

Nalaman din namin from her na hindi pala siya sa Astrid role nag-audition kundi for the role of Araminta na ikinasal sa pelikula.

Sey ni Heart, naging friends sila ni Kevin Kwan at may contact pa rin sila nito, pero happy na raw siya kung anuman ang ibigay ni God.

Actually, masaya na raw siya rito sa ‘Pinas at ang dami niyang ginagawa, mapa-fashion o iba pa. Baka mabago pa raw ang buhay niya kung magkakaroon siya ng career abroad.

Kapipirma lang ni Heart ng 5-year contract with GMA at next year daw ay may gagawa siya ulit na teleserye sa Kapuso network.

***

Young actress umalma sa patama ni Dina

Nagreak pala ‘yung isang young actress na nata­lakan dati ni Dina Bonnevie nang magkatrabaho sila before sa isang teleserye.

Lagi raw kasing nagpapahintay sa set ang nasabing young actress at wala itong respeto sa co-stars. Kaya one time ay pinagsabihan at sinita ito nang bonggang-bongga ni Ms. Dina.

Naikuwento ‘yon sa amin dati ng batikang aktres pero hindi niya pinangalanan kung sino. Nalaman pala nu’ng young actress na siya ang tinutukoy ni Ms. D.

Nahulaan din ng netizens kung sino ito, so nag-shoutout daw si young actress sa social media ng, “Hoy, tumigil ka! Alam ko na ako ang pinatatamaan mo!” at kung anik-anik pang hanash.

Nakarating ito kay Ms. Dina dahil may nagpakita sa kanya. Deadma ang premyadong aktres sa shoutout na ‘yon ni young actress.

Eh paano kung magkasalubong sila, ano kayang sasabihin dito ni Ms. D.?
“Hi! Naungusan ka na ng marami,” sagot niya, sabay tawa.

Ani Ms. Dina, basta para sa kanya, she has said her piece. Sana raw ay kinapulutan ng aral nu’ng young actress na ‘yon ang mga sinabi niya.

After ng “Blood Sisters” sa kabila ay nasa GMA naman si Ms. D. at kasali siya sa cast ng “Cain at Abel” bilang stepmother nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Nagpapasalamat si Ms. Dina na sa edad niyang 56-anyos ay nabibigyan pa rin siya ng magagandang roles. Other woman ni Eddie Gutierrez ang karakter niyang si Precy sa “Cain at Abel”.

Si Dingdong ay nakatrabaho na niya sa “Alyas Robin Hood” samantalang si Dennis ay nu’ng gabi ng presscon lang niya na-meet ever.

Sobrang karinyoso at grasyosong tao na gentleman at maalalahanin ang description niya kay Dong. Kay Dennis naman ay tahimik na mukhang malalim ang impression ni Ms. Dina.(