Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart ‘di bet kaibiganin nina Jericho, Daniel, John

0 322

Sa isang tanong naman kay Heart Evangelista noon, ng isa niyang follower sa Instagram, na kung kaibigan niya ang mga exes niyang sina John Prats, Jericho Rosales at Daniel Matsunaga, ang sagot niya na natatawa,“Ang problem ‘di nila bet makipag-friends sa akin.

Kim, Angelica , Maricel ayaw makatrabaho ang ex

ROMMEL PLACENTE:May mga showbiz couple noon, na nang maghiwalay ay hindi naging magkaibigan.Na may samaan ng loob sa isa’t-isa. Katulad ng dating sikat na loveteam noong 80’s na sina Maricel Soriano at William Martinez.Hindi sila naging friends after maghiwalay.

In fact,ayaw makatrabaho ng una ang huli.Kasama dapat si William sa dating serye na ginawa ni Maricel,pero ayon mismo sa dating matinee idol ay tinanggihan siyang makasama ng Diamond Star.Kaya ang ending,tsugi siya sa serye.

Kaloka!But thank you pa rin for the movie-like memories. Mahirap ba ako kalimutan? Char! Eme lang!”

Pero naloka raw si Heart nang ang isa niyang ex na hindi naman siya pina-follow sa Instagram. Ni-like raw ang isang picture na pinost niya recently. Sino kaya ang tinutukoy ni Heart sa tatlong ex niya?

Bakit kaya sa showbiz mga ka-Cuatros,maraming dating nagmamahalan ay ayaw na talagang makatrabaho ang isa’t-isa di ba? Sinasabi na ‘pag naka-move on ka na, magagawa mo nang harapin ang dati mong minamahal. Si Angelica Panganiban nga,nagsalita na ayaw niya nang makatrabaho pa si Carlo Aquino after umasa siya na babalikan siya ng award-winning actor.Naging close kasi uli ang dalawa nu’ng gawin nila ang Excess Baggage,di ba? Nagpakita ng sweetness muli si Carlo kay Angelica, na naging dahilan para ma-fall muli ang aktres sa kanya. Na akala ni Angelica ay babalikan siya ni Carlo,na hindi naman pala nangyari. Kaya masama ang loob ni Angelica sa dating ka-loveteam at karelasyon.

RODEL FERNANDO:Sobrang daming magdyowa sa showbiz na naghiwalay nang hindi maganda pero meron naman na naging magkaibigan. Sa kaso ni Janice de Belen naging maganda ang paghihiwalay nila ng landas ng kanyang first love na si Gabby Concepcion. Walang naging intriga at hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila.

Kahit naman ‘yung naging relasyon niya kay Aga Muhlach kung saan nabiyayaan sila ng isang anak ay naging okey rin ang ending. Napakasalimuot kung tutuusin ang buhay pag-ibig nila noon pero hindi humantong sa giyerahan at awayan. Nanatili silang magkaibigan at constant ang communication nila para sa kanilang anak na si Luigi.

Pero ‘yung sa kanila ni John Estrada na naging asawa pa ng aktres ay worst na maituturing ang paghihiwalay nila. Hindi sila naging okey after ng separation nila na pinagpistahan pa ng mga tsismoso at tsismosa. Magpahanggang ngayon kahit sinasabi pang nagkakausap sila ay hindi na bumalik ang dating samahan nila. Hindi sila magkaaway pero hindi na rin naging magkaibigan.

MILDRED A. BACUD: Lalayo pa ba tayo mga ka-Cuatros, ang isa sa naging very controversial

na paghihiwalay ay ang kina Gerald Anderson at Kim Chiu. Para kasing ang aktres ang ayaw na ayaw nang makatrabaho ang aktor. Matatandaan niyong sa isang segment ng It’s Showtime ay naging fun-ishment ni Kim ang maglike sa IG post ng aktor pero para bang napakahirap itong gawin para sa kanya at marami siyang explanation. Open book naman sa lahat ang pinagdanan na relasyon ng dalawa na nagsimula sa PBB no’ng 2006. Nagkaroon ng relasyon pero di maganda ang break-up. Ang masakit sa part ni Kim ay ang bestfriend na si Maja Salvador ang nakarelasyon after ni Gerald. Matagal din di nagkibuan ang dating magkaibigan. Infairness 2017 nagawa panina Kim at Gerald na makatrabaho via teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin pero lately sey ng aming source ay ayaw na raw makatrabaho muna ng aktres ang ex.

Ganundin si Bea Alonzo na ex ng aktor at ayaw rin daw munang makatrabaho ito.

ROLDAN CASTRO: Ang maganda ang relasyon ngayon ay sina Zanjoe Marudo at Bela Padilla. Bagamat natsismis na dati silang nagkamabutihan ay kinaya pa rin nila na magsama sa isang project.

Pumayag si Zanjoe na maging director niya si Bela sa isang pelikula. Todo puri ni Z si Bela sa kanyang IG story. Good job daw.

Isa pang kuwento ng mag-ex ay ang gay actor –producer na kaibigan pa rin ang ex niyang non-showbiz. Nu’ng birthday ng produ ay punong abala si ex sa salubong party.kasabawat pa niya sa pakulo at pasorpesa ang bagong dyowang lalaki ng produ.

Nanatili silang magkaibigan kahit hiwalay na sila.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.