Abante Tonite Interactive

Heart, DISNEY PRINCESS ang turing ni Alexander

By
Heart at Alexander
22

NO BIG DEAL kay Heart Evangelista ang makipag-kissing scene sa kanyang leading man.

Ayon kay Heart, 19 years na siya sa showbiz at ang tagal na niyang ginagawa ito kaya trabaho lang ang lahat.

Natatawa na lang ang Kapuso actress nang usisain ng press tungkol sa kissing scene nila ng Korean actor na kapareha niya sa bagong Kapuso romcom series na My Korean Jagiya.

“I think, from Juan Happy Love Story, nothing can get worse than that. Doon kasi, super-grabe ang kissing scene ko (with Dennis Trillo).

“Ito kasi, ‘yung kissing scene namin ni ­Alexander Lee, ‘yung mga aksidenteng napahalik, mga ganu’n lang.

“So, it’s not even in comparison to that,” napapangiting bulalas ni Heart.

Buong ningning na nagdayalog si Xander na GOOD KISSER si Heart.

Ano ang reaksyon dito ng mister niyang si Senator Chiz Escudero?

“You know, sobrang open-minded naming da­lawa ni Chiz and I think he will agree! Ha! Ha! Ha!” kikay na sagot ni Mrs. Escudero.

Reaksyon ng katabi niyang si Alexander, “Ha! Ha! Ha! My goodness!”

Kung good kisser si Heart, ano namang masasabi niya sa halik ng leading man niyang si Xander?

“Shy siya. Very, very shy. It’s nice actually, because they’re very conservative.

“Koreans are very conservative, ‘di ba?” baling niya sa binata, na dating miyembro ng K-pop group na U-KISS.

Sagot ni Xander, “Yeah!”

Kuwento ni Heart, lagi sa bahay niya sa New Manila, QC si Xander at ang iba pa nilang Korean co-stars dahil ang hotel ng mga ito ay malapit lang sa house niya.

Every night, doon nakiki-dinner ang mga ito o kahit tapos nang mag-dinner ay pumupunta roon para maki-dessert. Minsan ay tambay lang sila sa house niya hanggang hatinggabi.

Magkasundo sina Xander at Chiz. Sobrang at ease sa kanila ang mga Koreano na katrabaho niya sa My Korean Jagiya.

Pupunta sila ng Naga dahil may promo tour sila roon. Si Chiz ay mauuna na sa Sorsogon, magmi-meet sila roon, tapos ay ipapasyal nila sina Xander doon sa Bicol.

Sana raw ay makapag-beach din sila. Medyo matagal pa rito ang Korean stars dahil mahaba pa ang taping nila.

***

DISNEY PRINCESS kung i-describe ni Alexander Lee Eusebio ang leading lady nito sa My Korean Jagiya na si Heart Evangelista.

“She’s like a real-life Disney princess. Really kind-hearted. She’s too perfect!” sambit ng 29-anyos na si Xander.

Nanghinayang ba siya na may asawa na si Heart?

“I know, right? A bit. Until I met Senator Chiz, then I understand. ‘Ahh, they’re the perfect pair.’

“And when mine co­ming?! I don’t know. Pray for me, pray for me!” nakakatuwang hirit ng Hong Kong-born Korean actor.

Sinabihan si Xander ni Heart na mag-aral magsalita ng Tagalog dahil bagay siya rito sa ‘Pinas. Para puwede siyang itam­bal sa ibang Kapuso actresses.

Sa Facebook page ng GMA ay may video na tinuturuan ni Heart ng Tagalog words si Xander.

As of kahapon ay ­umabot na ng mahigit 1M ang views nito.

Ani Xander, wala pa siyang nakikilalang ibang Kapuso stars, pero nag-set ng very high standard ang team ni Heart kaya ninenerbiyos siya.

***

Bukod kay Alexander Lee, kasama rin sa first-ever original Filipino-Korean series na My Korean Jagiya sina David Kim at Michelle Oh.

Si David ay lumabas sa K-dramas na Iris 2, Glamorous Temptation at The King Is In Love.

Ang MKJ ang first international stint ni David with a foreign production and shot in a foreign country.

“This drama is really interesting and I was lucky to get a chance to experience something new and something different compared to all the projects I’ve done in Korea,” sey ni David, na gumaganap bilang kapatid ni Xander sa nasabing Kapuso series.

Si Michelle, na isa sa pinaka-talented na aktres sa Korea ay gumaganap bilang authoritative but caring mother nina Xander at David.