Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart ‘dyulalay’ si Chiz

0 380

NI: ARCHIE LIAO

Nag-send ng kilig vibes sa mga netizen ang ginawang pagsundo ni Chiz Escudero sa kanyang misis na si Heart Evangelista.

Ang naturang video ay nakapaloob sa Instagram stories ng actress .

Obvious namang naa-appreciate ng Kapuso actress ang pag-aalala sa kanya ng mister.

Nagpost pa ito ng :”My sundo is here.” (with heart emoji)

After her jogging sessions, sinundo kasi siya ng Sorsogon governor.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Marami namang ang napa-sana all sa sweet gesture ng dating senador sa kanyang wifey.

Hirit nila, suwerte raw si Heart kay Chiz dahil alagang-alaga siya nito.

Sey nila, parang reyna raw ang aktres sa piling ng kanyang politician hubby.

Sa kabila raw ng busy schedule nito sa kanyang constituents ay binibigyan pa rin nito ng importansya ang fashionistang misis.

May ilan namang nang-uurot at nagbiro kay Chiz na papasa raw na dyulalay ito ng aktres.

Leave A Reply

Your email address will not be published.