Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart ginto ang straw

0 115

Nawindang na naman ang mga netizen sa bagong Instagram post ni Heart Evangelista. Sa larawang ipinost, makikita ang aktres na ginagamitan ng straw ang champagne bottle. Makikita rin ang strap ng Louis Vuitton bag na nakasabit sa balikat.

“I have mixed drinks about feelings. @louisvuitton,” ang caption ni Heart.

More than the LV strap, mas nag-focus ang mga netizen sa golden straw na gamit ni Heart. Ikinawindang nila na pati ba naman ito ay yayamanin pa rin.

Narito ang ilan sa mga comments:

-“Yung straw nag dala.”

-“Akin nalang po ang straw miss Heart after nyo gamitin❤️😂.”

-“Straw palang di ko na afford 😢

-“Dun ako sa ginagamitan ng straw ang wine.”

-“hahaha akala ko LV yung straw.”

-Oo.na miss heart kami na Ang hampas lupa.kala ko ma aaford ko na ang straw tas Yung pala gold.”

– “Yayamanin pati straw. Iba talaga si Heart!”

– “Champagne with straw?🤔 grabe 😂😂🥂.”

Hahaha! ‘Kaaliw talaga ang mga netizen!

Rabiya inalaska si Tracy

Isa pang kaaliw ay si Rabiya Mateo sa ginawang pang-aalaska sa newly-crowned Miss World Philippines na si Tracy Maureen Perez.

Tulad ni Rabiya ay nadapa rin si Tracy sa stage sa katatapos lamang na grand coronation night ng pageant .Pero mas malala ang nangyari kay Miss World dahil not just once but twice siyang nadulas.

Ang unang semplang ni Tracy ay bago siya koronahan. Nalaglag siya sa hagdang may apat na baytang. Maging ang host na si Xian Lim ay nagulat nang bigla na lang may nalaglag sa tabi niya. Mabilis naman niyang tinulungan ang kandidata.

Ang pangalawang pagkakadulas ni Tracy ay nang matapos itong koronahan at uma-aura na sa kanyang final walk. Bigla na lang itong nadapa na naman at nalaglag pa ang kanyang crown. Tinulungan din siyang makatayo ng mga gentlemen sa stage and in fairness naman sa beauty queen ay nakangiti pa siya kahit nadapa na.

Sa kanyang IG Story ay binati ni Rabiya si Tracy pero inalaska niya ito na sinamahan pa raw siya sa pagkakadulas.

“CONGRATULATIONS @TRACYMAUREEENPEREZ! GRABE TALAGA BABE SINAMAHAN MO AKO SA PAGKADULAS HA? GANUN MO AKO KAMAHAL! SEE YOU IN MANILA!” mensahe ni Rabiya kay Tracy.

Matatandaang nadulas din si Rabiya during her final walk sa coronation night ng Miss Universe-Philippines 2021 held last Sept. 30.

Leave A Reply

Your email address will not be published.