Abante Tonite Interactive

Heart inabuso sa pagtulong

518

NI: RONA RONDA

Sunod-sunod ang pagtulong ni Heart Evangelista sa mga kapus-palad na lumalapit sa kanya sa Twitter. Pero, nalungkot ang aktres nang abusuhin siya ng isa sa mga natulungan niya.

Hindi niya maiwasang ilabas ang saloobin niya tungkol dito. Nais niya na maging tapat ang mga lumalapit sa kanya nang sa gayon ay makatulong pa siya sa iba.

Saad ng kanyang tweet, “Please be honest with me . I just wanna help as much as I can …give chance to others. I still sent help 2x kahit alam ko you’re the same person knowing you might just be in a bad place . But I know.”

Nagreak naman ang iba niyang natulungan na hindi nila kayang gawin ‘yun sa aktres na taos pusong tumulong.

Payo naman ng isang netizen na si @xyzabc890321, “ Miss Heart, huwag magpa-abuso. Hinay-hinay lang sa pagtulong, marami pa ring mapagsamantala.”

Tonite – Wendys Inhouse Ad