Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart inatake ng anxiety attack

0 51

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang Instagram live video, nagkaroon ng pagkakataon si Heart Evangelista na muling makipag-bonding sa kanyang followers.

Isang faney ang nagtanong sa kanya kung bet daw ba ng Kapuso actress ang diving, among water sports activities.

Ani Heart, hindi raw niya feel ang ‘diving’ dahil may anxiety attack daw siya.

Katunayan, habang nagkaka-edad daw siya ay mas madalas daw niya itong nararamdaman.

Siguro raw ay dahil hindi na rin ganoon ka-normal ang situwasyon dahil sa surge ng Covid-19 virus sa bansa.

“I cannot, my anxiety is so bad. I cannot dive, actually habang tumatanda ako, lalo akong nagkaka-anxiety,” pagbubunyag ni Heart.

Related Posts

Ibinahagi rin niya ang di kaaya-ayang anxiety attack na nangyari sa kanya two days ago.

“As a matter of fact, two days ago I had a really really bad attack,” aniya. “The first time I experienced that. Hindi ko alam kung bakit, wala naman akong problema pero I guess it happens to the best of us. I felt like I was carrying a vault. My whole body, like my arms were heavy, my legs, my feet, it was so hard to walk. I felt like I was getting paralyzed. It was the first time that it happened to me,”dugtong niya.

Habang nagbabalik-tanaw, na-blangko na si Heart sa pagsasalita.

“It was such a… I don’t want to talk about it. It’s such a bad experience,”ayon sa Kapuso actress.

Habang sinisikap niyang ipagpatuloy ang kanyang IG live session, makikitang medyo nanlamig ang aktres habang pinapaypayan ang kanyang mukha ng kanyang mga kamay.

“When I have a little bit of anxiety attack, I try to calm down so I’m gonna try to calm down. Sorry I have to cut it. Kaya ko ‘to. Positivity,” pagtatapos niya.

Naputol sa ere ang kanyang video kung saan natunugan ng mga netizen na inatake umano ng anxiety attack ang actress-vlogger.

Leave A Reply

Your email address will not be published.