Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart inintrigang mas mahal ang aso kesa kay Chiz

0 375

NI: ARCHIE LIAO

Magsisimula nang mag-taping si Heart Evangelista ng teleserye sa GMA-7 kung saan makakasama niya ang chinitong actor na si Richard Yap.

Pero bago pa man siya sumabak sa lock-in taping, isa lang ang hiling niya sa produksyon ng “I Left My Heart in Sorsogon”.

Request niya, makasama niya ang aspin dog niyang si Panda sa kanyang hotel na tutuluyan sa lock-in taping.

Ani Heart, sobrang close sa kanya ang kanyang dog at hindi nito kayang mawalay sa kanya.

“I spoke to the owners of the hotel if they can allow Panda to be with me. Because she will die [without me]! After the lockdown, we’ve been together for so long. She cannot live without me and I cannot live without her,” ani Heart sa panayam sa kanya.

Matatandaang si Panda ay madalas na kasama ng aktres saan man siya magpunta.

Isa ito sa pinakapaborito niyang alaga.

Sey nga ng ilang kibitzers, mas mahal pa raw ni Heart si Panda kesa kay Chiz dahil hindi nito gustong mawalay sa kanyang alaga.

Sa ngayon, marami nang excited sa magiging teamup nina Heart at Richard.

May mga nagtatanong din, kaya raw kaya nitong kabugin ang tambalang Jodi Sta. Maria at Richard Yap?

Leave A Reply

Your email address will not be published.