Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart malabong mabuntis

0 302

NI: ARCHIE LIAO

Sumalang sa question and answer si Heart Evangelista para sagutin ang ilang intimate questions ng kanyang mga faney.

Dahil sa estado niya bilang first lady ng Sorsogon, naniniwala ang kanyang followers na afford na niyang magpaka-prente at hindi magpaalipin sa trabaho lalo pa’t born with a silver spoon din siya.

Isang follower naman niya ang nagtanong ng nakakaintrigang question na:

“Do you also get tamad? Tamad to do anything and gusto lang humilata all day in bed.”

Game namang sinagot ito ng Kapuso actress na:”Oh yesss but I just have so much on my plate that I can’t afford to sit pretty. I am also developing a beauty company that has been taking much of my time. Also, the usual shoots.I work everyday except Saturdays (not [a] strict rule, sometimes we break if I have requirements) you cannot begin to imagine how busy I am. So my mind is always active – that’s why I’m up at 530 am.”

Hirit naman ng kibitzers kung ganito ka-busy ang fashionistang actress, malabo itong mabuntis o kaya’y makabuo silang muli ng mister nitong si Chiz Escudero.

Dapat daw ay magpahinga sila at bigyan ng oras kung gusto talaga nilang makabuo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.