Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart mas malaki ang kinikita sa mister

0 50

Aliw ang bagong episode ng “Adulting with Chiz” sa YouTube vlog ni Heart Evangelista dahil this time ay nagbahagi sila ng ilang mga personal na bagay about their relationship.

Isa nga sa sinagot nila ay kung binibigyan ba ng mister ng allowance si Heart kahit na nga ba kumikita ng sariling pera ang aktres.

“Yes,” ang sagot ng hubby.

Agree naman si Heart at puri pa niya, “such a good husband.”

Hirit naman ni Chiz, “for basics, not for the luxuries.”

Sabi naman ni Heart, “I know, I know.”

Pero minsan ay nakakagastos pa rin daw siya ng higit sa allowance na ibinibigay ng mister.

“Yes, he does give me allowance naman. For essentials like food, especially because I travel with a lot of people, ganyan. Gas. Saka may konting leeway naman siya. Pang-Zara-Zara lang ba. So, happy tayo diyan,” sabi ni Heart.

Inamin din ng mister na mas malaki ang kinikita ng kanyang misis kaysa sa kanya and for him, hindi naman daw ito sampal sa isang lalaki.

“Hindi dapat pinepersonal na ‘yan ngayon. Pero noong sinaunang panahon siguro, parang ‘ika nga, nakakalaki ‘yung babae, parang ganu’n. Noon may gano’n pa. Pero ngayon, wala nang gano’n,” sey ng kanyang husband.

Nabanggit nga rin nila na wala silang joint account dahil may pre-nuptial agreement nga sila.

Pagdating naman sa paggastos na noon pa naman ay very vocal sila na si Heart talaga ang mas mahilig mag-shopping at gumastos ng malaki, aminado naman si mister na malaki na rin ang ini-improve ng misis.

“Yes, you’ve improved but not yet there,” he said.

Katwiran naman ni Heart, “because I’m still working. If I’m not working as much, then I’ll adjust my lifestsyle.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.