Abante Tonite Interactive

Heart nag-iisang Pinoy na pasok sa Vogue 100

0 530

Proud si Gov. Chiz Escudero sa kanyang misis na si Heart Evangelista dahil kasali ito sa listahan ng Vogue 100. Nag-iisang Filipino na napasama sa elite list ng mga kilalang personalidad sa buong mundo.

“This is such an honor, especially to be alongside other amazing individuals from all around the globe,” which she posted sa kanyang Instragram account nu’ng nakaraang Martes.

Ang Vogue 100 ay listahan ng mga creative voices from around the globe. Binubuo ito ng mga kilalang personalidad na nagmumula sa iba’t ibang profession tulad ng mga glamorous girls, actors, musicians, artists at iba pa.

Ang dating kasama sa Vogue 100 ay sina Kim Kardashian-West, ang philanthropist na si Ashley Bernon, ang swimwear designer na si Senesa Karol, Vogue editor na si Hamish Bowles at marami pang iba.

Samantala, hanggang ngayon ay inaasam pa rin ni Heart ang pagkakaroon nila ng baby matapos siyang magka-miscarriage noong isang taon.

Ronnie binuhusan ng tubig

Isa nang ganap na licensed pilot si Ronnie Liang matapos nitong makumpleto ang kanyang training sa pagpapalipad ng eroplano sa APG International Aviation Academy sa Subic.

Isa sa mga seremonyas sa pagtatapos ni Ronnie ay ang pagbuhos sa kanya ng isang balde ng tubig bilang pagbibinyag ng pagiging isang ganap na piloto.

Samantala, natulungan na rin ni Ronnie ang kanyang pamilya. Bukod sa bahay ay nabigyan niya ng sariling talyer ang ama.

Binigyan din niya ng kabuhayan ang kanyang mga kapatid.

Si Ronnie ang nagpaaral sa kanyang sarili since high school up to college.

Pati na rin sa kanyang pagiging isang ganap na piloto.

Darren ‘di pabaya sa pag-aaral

Masayang-masaya si Darren Espanto dahil natapos niya ang kanyang pag-aaral ng high school. Ito’y sa kabila ng kanyang busy schedule. Ipagpapatuloy ni Darren ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Pero tuloy pa rin ang singing engagements here and abroad.