Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart nagpasilip ng cleavage

0 102

NI: ROLDAN CASTRO

Excited na rin ang Kapuso star na si Heart Evangelista sa TV comeback niya ngayong taon sa upcoming fashion-teleserye na ‘I Left My Heart in Sorsogon.’

Iikot ang kuwento sa isang fashion socialite na babalik sa kaniyang probinsya kung saan siya ay muling mapapalapit sa kaniyang pamilya, komunidad, at dating kasintahan.

Sa Twitter ay ibinahagi ni Heart ang excitement sa new show, “Yes for my upcoming teleserye -I left my Heart in Sorsogon – you will see a lot of fashion and a whole lot of Sorsogon!”

“A lot of fashion and a whole lot of Sorsogon,” pagsasalarawan pa ng Kapuso actress sa bago niyang show.

Samantala, pinusuan ang bikini photo ni Heart sa IG. Nagpasilip siya ng cleavage. Almost 300K na ang nag-line nito sa loob ng 16 hours.

Ang caption niya, “I’ve got sunshine on a cloudy day…”

Leave A Reply

Your email address will not be published.