Abante Tonite Interactive

Heart nagpasilip ng singit

0 2,147

tonite-imo-vinia-vivarNagpakita na rin ng kanyang singit si Heart Evangelista sa kanyang latest Instagram post. Makikita sa larawan na naka-one-piece black swimsuit ang aktres na litaw ang singit at pagka-sexy-sexy.

Sa caption ay maikling “underneath the palm trees” lang ang inilagay ni Heart.

Kasalukuyang nasa Amanpulo ngayon si Heart at ang kaibigang si Lovi Poe for a short vacation base na rin sa post ng huli sa kanyang IG account.

Nag-post din ang dalawang aktres sa kani-kanilang IG Story ng mga latest happenings nila habang nagbabakasyon.

Umani naman ng katakot-takot na papuri ang sexy photo ni Heart mula sa netizens. Ang ibang mga girls ay inggit na inggit at goal nilang gayahin ang sexy fi­gure ng aktres.

May isang nagkomento na may hip dips (an inward curve on each side, just below the hip bone) si Heart na dapat niyang ayusin.

“Almost there, have to get rid of the dip hip. . .” komento ng netizen.

Sinagot naman ito ni Heart at aniya, “I’m happy with my body.”

Maricris, Regine walang nabago sa samahan

Happy si Maricris Garcia sa mga kapwa-singers na sina Jona and of course, her Ate Regine Velasquez na dating Kapuso pero ngayon ay Kapamilya na.

Siyempre, nalungkot daw siya sa pag-alis ni Regine pero inirerespeto naman niya ang desisyon nito at kahit hindi na nga raw niya ito makakasama sa TV show, may chance pa rin naman daw na magkasama sila sa mga concert.

In fact, nag-guest pa si Regine sa concert niya recently lang bago lumipat ang Asia’s Songbird.

Nangako raw si Regine na kahit nasa kabilang istasyon na siya, anytime na kailangan niya ito para maging guest sa concert niya ay sabihan lang siya.
Ngayong wala raw ito sa Kapuso ay wala raw nabago sa kanilang samahan.

“Wala lang siya dito sa network na ‘to, pero still siya pa rin ‘yung. . .alam mo ‘yun, sa akin, personally, wala namang nagbago at walang magbabago sa respeto ko sa kanya, sa tingin ko sa kanya,” ani Maricris.

Mahaba ang pinagsamahan nina Maricris at Regine na nagsimula pa sa Pinoy Pop Superstar na ini-host ni Songbird kung saan ay ang una ang grand winner.
Kasalukuyang napapanood si Maricris sa seryeng Asawa Ko, Karibal Ko kasama sina Rayver Cruz, Kris Bernal at Thea Tolentino.

Pero kahit daw pumasok na siya sa pag-arte, singing pa rin daw talaga ang love niya.

“Mas nadadalian ako (sa pagkanta), siguro kasi ‘yun talaga ‘yung mananalaytay sa dugo ko, pero nae-enjoy ko pa rin ang acting,” she said.

Empress pinagtiyagaan ng manager

Sobrang thankful si Empress Schuck sa kanyang manager na si Becky Aguila sa pagiging matiyaga sa kanya simula pa noong bata siya hanggang ngayon.

Lalo na nga nang nag-decide siya na ayaw na niyang mag-artista after gi­ving birth, kinausap daw siya nitong mabuti at pinayuhan siya.

“Si Tita Becky, matiyaga talaga, eh, siguro alam n’yo naman po ‘yun, matiyaga siya, malaki ang pasensiya niya, so kahit ilang beses akong nag-no sa kanya, kinausap lang niya ako talaga nang maayos, kasi parang mother ko na rin talaga siya, eh,” sabi ni Empress.

Mabuti na lang daw at nakinig siya sa manager dahil habang ginagawa niya ang Goyo: Ang Batang Heneral ay maraming project na duma­ting.

Isa na nga sa dumating na offer ay ang pelikulang Kahit Ayaw Mo Na ng Viva Films na showing na sa Dec. 5. Kasama niya dito sina Andrea Brillantes at Kristel Fulgar mula sa direksyon ni Bona Fajardo.

Bukod dito, may gagawin din daw siyang pelikula with Sen. Lapid for 2019 release.