Abante Tonite Interactive

Heart naka-recover na, balik-Kapuso

3,343

tonite-imo-vinia-vivarMukhang tuloy-tuloy na nga ang pagmu-move on ni Heart Evangelista mula sa malungkot na pangyayari sa kanyang buhay a couple of months ago.

Ang daming natutuwa na aktibo na naman siya sa social media at laging may masayang event or activity na ginagawa.

Tulad kahapon, isang masayang moment na naman ang ibinahagi ni Heart sa kanyang mga follower nang mag-post siya ng kanyang contract signing sa GMA-7.

 

Yes, finally ay nag-renew na nga ang aktres ng exclusive contract sa Kapuso network na dapat nga ay noong June pa.

Nag-post si Heart ng short clip sa kanyang IG story kung saan ay masaya siyang umaakyat sa elevator ng GMA-7.

Caption niya, “GMA Contract signing. As I celebrate my 20th year in showbiz, I’m looking forward to many more exciting years with the network that I call home.”

Nag-post din siya ng video habang ginaganap ang contract signing at nilagyan naman niya ng caption na “to many more years together @gmanetwork.”

Bago ito ay nag-post naman siya last Monday ng video na masaya niyang inaayos ang kanyang office.
Wish naman ng mga fan niya na mapanood na siya agad sa teleserye sa GMA-7.

***

Kim-Dennis fresh ang tandem

In fairness, ang da­ming na-excite sa post ni Dennis Trillo na larawan nila ni Kim Chiu na magsasama sa isang pelikula.

Ang daming nag-comment na exciting and fresh ang tandem lalo pa nga’t magkaiba sila ng network at ito ang kauna-unahan nila talagang pagtatambal.

Natutuwa rin ang mga fan na ipinahiram ng Star Cinema sa Regal Films si Kim at ngayon pa lang, ang dami nang nagsabi na susuportahan nila ang pelikula.
***

Sharon makakasama ang young superstar

In her latest interview, ini-reveal ni Sharon Cuneta na isang family drama ang next project niya sa Star Cinema. Hindi pa pwedeng sabihin ang de­talye pero ayon sa Megastar ay baka August ianunsiyo ng produksyon.

Nagbigay na rin ng clue si Sharon kung sino ang makakasama niya.

“Hindi lang leading man ang kasama ko na mahal nila kung hindi, isang babaeng batang superstar na I’m excited to work with,” pagre-reveal ni Megastar.

“So, I’m excited, super-excited. Maiba naman,” sambit pa ni Shawie.

When asked kung si Richard Gomez nga ba ang kanyang leading man, aniya, ay wait na lang daw.
“Ating hintayin, kasi baka mamaya iba naman ang nine-negotiate, eh, di ko alam,” natatawa niyang sey.

“So, let’s wait for Star (Cinema). I’m also careful to say kasi minsan, nagbabago na hindi ko naman kasalanan.”

Naintriga kami sa batang babaeng superstar. Could be Kathryn Bernardo? Julia Montes? Naisip din namin si Liza Soberano pero may Darna siya so, hindi puwede. Si Kim Chiu naman, may ginagawa ring movie sa

Regal Films pero pwede rin naman maglagare dahil wala naman siyang teleserye ngayon.
Well, abangan na nga lang natin ang announcement.