Abante Tonite Interactive

Heart, Nakunan!

By
3,130

Isang nakalulungkot na Instagram post ang ibinahagi ni Heart Evangelista sa kanyang mga followers kahapon nang hapon na talaga namang dumurog din sa puso namin bilang isang ina.

Nakunan si Heart sa kanyang ikatlong buwan ng pagbubuntis sa first baby nila ni Sen. Chiz Escudero. Ayon sa aktres, she was sharing this news with a heavy heart pero kaila­ngan niyang i-share because parte ito ng kanyang motherhood journey.

“There are not enough words to express how heavy my heart feels but I know it’s important to share this because it’s part of my motherhood journey. At this week’s Doctor appointment, just as we hit the 3 month mark, we found out that her heart stopped beating,” ang simula ng mahabang post ni Heart.

Kapansin-pansin ang pagtukoy ni Heart ng “her” sa kanyang baby which means babae ang kanyang ipinagbuntis.

Patuloy ng aktres, “for some it might be early on but for us, we were so ready to meet you, little one. Carrying you made me feel like a completely new person. Just the thought of you taught me what unconditional love feels like.

“The Doctor told me that there really wasn’t anything we could’ve done, that this happens to a higher percentage of first time moms.

“I know this is true because so many of you have been open with sharing your experiences. Your kindness and positivity in sharing about your own miscarriages remind me to be strong.”

Sa kabila ng napakalungkot na pangyayari, nananatiling positibo ang outlook ni Heart at aniya ay hindi niya kinukuwestiyon si Lord kung bakit ito nangyari.

“I am so grateful for all your love throughout this entire journey. It’s not the end, just another chapter. I take comfort knowing that you’re up there with your twin. I don’t question God about this sad time, I trust in His timing and plan,” patuloy pa ng post ni Heart.

Sa huli ay humingi ng pang-unawa ng aktres as she may be taking some time off.

“I hope you all understand that I’ll be taking some time off but your support and kind words will be felt, even if I’m not able to reply.

I’m not looking for answers, just peace.

“For what it’s worth, I already had a name for you. My Mira, funnily enough, I already loved your smile. I know you’ll find your way back to me,” pagtatapos ni Heart.

Matatandaang kambal sana ang ipinagbubuntis ni Heart pero noong nakaraang buwan, ibinalita niyang she lost one of the twins dahil maliit daw ang embryo nito at naging mabagal ang pag-develop.

Sa nasabing latest post ni Heart ay naka-turn off ang comments section at marahil, talagang gusto na muna niya ng katahimikan na understan­dable naman.