Abante Tonite Interactive

Heart nambulabog sa nude photo

1,973

Ang daming na-shock at nagulantang sa nude photo ni Heart Evangelista na ipinost niya kahapon sa kanyang Instagram account. Makikita sa larawan ang aktres in her bare back (ang flawless ng likod, huh!) at medyo nasisilip ang gilid ng kanyang boobs na natatakpan ng kanyang braso.

Caption ni Heart sa kanyang nude photo, “treasure yourself every single day.”

Walang detalye si Heart kung para saan ba ang photoshoot na ito. May bago ba siyang endorsement? Bagong magazine cover? Or may bago ba siyang ine-endorse na alak since matatandaang dati rin siyang Tanduay calendar girl?

Needless to say, marami ang nagulat since wala naman sa karakter ni Heart ang mag-post ng mga ganitong daring photo. Sey nga niya nang mag-post siya last year ng throwback sexy photo niya taken in 2013 when she was still Tanduay’s calendar girl, “first and last time I ever did something like this.”

Ilang oras pa lang naipo-post ni Heart ang sexy photo ay binaha na ito ng “likes” and comments mula sa mga netizens at kapwa artista.

Komento ni Alex Gonzaga, “teka lang.”

Si Maja Salvador naman ay katakot-takot na fire emoji ang reaksyon.

“OMG” naman ang komento ni Jessy Mendiola.

Sey naman ni Jane de Leon, “damnnnn.”

May isang netizen naman na nag-comment na ang likod daw ni Heart ay mas makinis pa sa mukha niya.

Puro “wow!” “omg,” “hot,” “sexy,” at katakot-takot pang positive reactions ang mababasa komento ng mga netizens and friends ni Heart.

Obviously, at 35, Heart is still hot and slaying!

Nathalie nahirapang makisama sa Indian fiancé

Muling nagbabalik sa showbiz si Nathalie Hart matapos makipaghiwalay sa Indian fiancé at tatay ng kanyang anak na si Penelope. Yes, she’s a single mom now pero tila bumagay nga sa kanya ang pagiging isang ina dahil mas sexy pa siya ngayon, mas fresh at mas bumata pang tingnan.

Sa solo presscon ni Nathalie na ginanap last Thursday, ikinuwento ng aktres ang naging journey niya sa Indian boyfriend at kung bakit sila naghiwalay.

Aniya ay nagkaroon daw sila ng personal differences na marahil dala nga ng pagiging magkaibang lahi nila. Marami raw silang hindi pinagkakasunduan na unti-unti na lang lumitaw noong bago sila ikasal.

Ikakasal na sana sila noong December, 2018 sa Australia and that time ay preggy na rin siya sa baby girl niya. Pero that’s the time rin na na-discover nila ang kanilang differences.

“Iba pala talaga ang mentality nila. So I thought we were compromising, going in the middle na ‘tatanggapin ko kung anuman ‘yung gusto n’yo or ‘yung nakasanayan n’yo. Kung anuman ‘yung gusto n’yo na nakasanayan n’yo na gagawin ko, I will do it.’

“Tapos, kung anuman ‘yung hindi ako okay on your part, mag-compromise tayo.

“Eh ‘yung sa kanila, walang ganu’n. Pupunta ka sa poder nila, kung ano ang gusto nila, ‘yung ang gagawin mo. There was nothing in the middle. You cannot say no,” sabi ni Nathalie.

Ang tinutukoy ng aktres ay hindi lang ang kanyang fiance kungdi pati ang buong family nito sa India kung saan ay tumira rin sila for a while.

Kaya nag-decide siyang huwag nang ituloy ang kasal at makipaghiwalay na. Bumalik siya ng Pilipinas at nagdesisyong magbalik-showbiz na handa sana niyang talikuran noon para bumuo ng pamilya.

In good terms naman daw sila ng kanyang ex ngayon at sinusuportahan din ang anak nila. Pumupunta-punta pa rin daw ito ng Pinas at nagkikita sila because of the child. Just last week daw ay nasa bansa ito.

Ngayong single mom na siya ay focused daw siya muna sa trabaho and thankful siya na kahit umalis siya sa showbiz for more than a year ay nakabalik naman siya agad.

Sunod-sunod na nga agad ang project niya. Ngayong araw na ito ay paalis siya ng Japan to shoot a new movie for Viva Films entitled Steal under the direction of Bona Fajardo.

Kasalukuyan din niyang ginagawa ang Kungyari Mahal Kita with Ryza Cenon and Joseph Marco mula naman sa direksyon ni Roderick Lindayag, at Pakboys with Andrew E and Janno Gibbs with Al Tantay as the director.

Her current film, streaming now on iWant entitled “Sunday Night Fever” opposite Diether Ocampo and starring Ricky Davao is doing extremely well. Ang nasabing pelikula ay comeback project ni Diet mula naman sa direksyon ni Lem Lorca.

Heaven kinutuban sa ina

Si Heaven Peralejo ang mapapanood ngayong araw (Feb. 29) sa Ipaglaban Mo sa episode na may titulong Kutob.

Sa kwento, ang karakter ni Heaven ang nakatuklas ng bangkay ng kanyang lolo at lola na nakabaon sa lupa dahil kinutuban siya na mayroong nangyaring masama sa mga ito.

In real life ay naranasan na rin daw ni Heaven ang magkaroon ng malakas na kutob na naging dahilan kung bakit siya nag-voluntary exit noon sa Pinoy Big Brother, Lucky 7.

Kwento niya sa Kapamilya Confession online, basta isang araw daw ay masama ang gising niya at naramdaman niyang parang may hindi magandang nangyayari sa kanyang ina.

Kaya tinanong daw niya si Big Brother ng PBB kahit bawal ito. Sinabihan naman daw siya ni Kuya na itatanong din nito at sasabihin agad sa kanya kung may hindi magandang balita.

Bandang gabi ay nag-update raw sa kanya si Kuya at sinabing nasa operating room ang kanyang mommy at kasalukuyang inooperahan.

“Sabi ko, ‘ha? Tama ‘yung kutob ko,’ ganu’n,” sey ni Heaven.

Kaya ang ginawa niya ay nagdesisyon siya agad na mag-voluntary exit para maalagaan ang kanyang ina.

Matatandaang na-diagnose ng cancer of the throat that time ang kanyang ina and thankfully, after the operation ay umayos na ang kondisyon nito at sa ngayon ay cancer-free na ayon na rin sa past interviews ni Heaven.

Kaya naman sobrang nagpapasalamat ang young actress sa Diyos dahil bukod sa pinagaling na ang kanyang ina ay binibigyan pa siya ngayon ng magandang showbiz career.