Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart napagkamalan na walang panty sa Cannes

0 119

KAHIT walang movie na kasali si Heart Evangelista ay join siya sa prestigious Cannes Film Festival na ginanap sa France.

Todo ang pagrampa ng Kapuso aktres kasama ang mga international star/model sa CFF.

Napagkamalan pa ngang walang suot na underwear ang misis ni Senador Chiz Escudero.

Fashion event na rin kasi ang Cannes Filmfest kaya mga sikat talaga ang rumarampa sa red carpet.

Ang mga rumampang international celebrities/model sa red carpet ay sina Anne Hathaway, Julia Roberts, Tom Cruise, Bella Hadid, Rebecca Hall, Kristen Ste­wart, Isabelle Huppert, Korean actor Lee Jung-jae, Jennifer Connelly, Julianne Moore, at iba pang famous personalities sa fashion and entertainment world.

Siyempre pa level up si Heart ng kanyang OOTD ay tadtad ng crystals ang gown with matching mini bag.

SM food to go Banner Ad

Ang outfit ni Heart ay katulad ng dress na suot ng Polish actress na si Anna-Maria Sieklucka sa premiere night ng erotic drama na 365 Days na napapanood sa Netflix.

Kaya ang tanong ng netizens, “who wore it better?”

Ang second outfit ng fashion icon ay bra top at thigh-high slit skirt.

All the way ang cutout sa magkabilang gilid, kaya mapagkakamalang wala siyang suot na panty.

Balitang after Cannes ay didiretso ng Paris ang fashionistang aktres.

Leave A Reply

Your email address will not be published.