Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart naudlot na First Lady

0 61

NI: ARCHIE LIAO

Noong senador pa ang mister ni Heart Evangelista na si Chiz Escudero, pangabog ang kanyang pagiging fashionista tuwing may SONA.

Katunayan, kung tatakbo nga raw at mananalo bilang Presidente, magiging eleganteng first lady ang Kapuso actress.

Sa bagong episode ng “Adulting with Chiz” nagkaroon ng pagkakataon si Heart na makapanayam ang mister.

Tahasang tinanong niya ang kabiyak kung may plano itong kumandidato bilang presidente sa 2022.

Sey ni Chiz, wala raw siyang planong tumakbo bilang pangulo dahil kuntento na raw siya sa kanyang posisyon ngayon.

Dagdag pa niya, wala rin daw siyang sapat na resources o makinarya para pondohan ang kanyang kandidatura.

Marami namang faney ang na-disappoint at nanghinayang hindi lang kay Chiz kundi kay Heart na para sa kanila ay potential First Lady.

Leave A Reply

Your email address will not be published.