Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart nganga sa Crazy Rich Asians

0 55

Inamin ni Heart Evangelista na talagang nag-audition siya para sa pelikulang Crazy Rich Asians na noon pa’y tinatanong na lagi sa kanya.

Sa vlog ni Dr. Aivee Teo ay sinabi ni Heart na nag-audition siya para sa role ni Aramintha.

“I actually did audition talaga. I auditioned and because parang they’re already in the last leg of their auditions and I got a call and I said you know, ‘sige na, might as well do it na’,” kwento ni Heart.

Dito raw siya sa Pilipinas nag-audition at kumuha pa siya ng crew para rito.

“I remember I got a crew and I did the scene as like a real scene from a telenovela,” tsika pa niya.
After that ay nakatanggap daw siya ng tawag mula sa kanyang agent sa Los Angeles.

“I remember waking up to 10 missed calls from an agent in L.A. and then sabi niya, ‘How come you’re not answering your phone? Your presentation paused in the middle of the showing.’ But they’re so like parang ano raw, parang ‘who’s this girlcurious. Parang they were saying daw, ‘who’s that girl?’” pagre-recall pa ng Kapuso actress.

Sinabihan daw siya ng kanyang agent na ipadala ulit ang file ng audition at willing ang produksyon na maghintay para mapanood dawn ang buo ang kanyang audition.

“And then, they asked if I was available to shoot so siyempre of course. And then they never came back,” kwento niya.

Bagama’t hindi raw siya nakuha, naging magkaibigan naman daw sila ni Kevin Kwan, ang sikat na nobelista na sumulat ng libro ng Crazy Rich Asians.

“I became friends with Kevin Kwan after that. So there’s always a reason for everything. Again, ayaw mo nang mangarap nang todo. Okay na ako kung anuman ang ibigay,” sey niya.

But siyempre, sobrang ikina-happy rin daw niya na nai-consider siya kahit paano.

SM food to go Banner Ad

“For me, it was huge cause I’ve been working for 24 years and ngayon pa ako nagkakaroon ng opportunites nag anito, so wow!” saad pa niya.

Never pa raw niya itong inamin before dahil ayaw niyang pag-usapan.

“No, I didn’t kasi masakit,” natatawa niyang sabi.

@@@

Bea , John Lloyd malabo ang sitcom

Itinanggi ng manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan ang tsika na gagawa ng sitcom ang aktres with John Lloyd Cruz sa TV5 under Brightlight Productions.

No, not true,” pahayag ni Shirley sa abs-cbn.com.

Pero kinumpirma niyang may reunion movie sina Lloydie at Bea pero ito ay pagkatapos pa ng shooting ng aktres ng pelikula with Alden Richards.

Sa ngayon nga raw ay abala na si Bea sa paghahanda sa shooting ng movie nila ni Alden na adaptation ng 2004 hit Korean film na A Moment to Remember at ididirihe ito ni Nuel Naval.

Pinaghahandaan na raw ngayon ni Bea ang quarantine, story conferences, workshops and lock-in shoot para sa A Moment to Remember.

Leave A Reply

Your email address will not be published.