Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart kakabugin Jodi-Richard tandem

0 204

Isang malaking eksperimento sa ABS-CBN noon ang tandem nina Jodi Sta.Maria at Richard Yap na inilunsad sa seryeng Be Careful With My Heart na may Pinoy Cinderella twist.

Dahil sa tagumpay ng serye, naging bukambibig ang mga karakter nilang Maya at Ser Chief.

Ngayon naman, ang challenge ay dapat mapantayan ang success ng nasabing TV series ni Heart Evangelista na first time makakatrabaho ni Richard Yap sa GMA-7 series na I Left My Heart in Sorsogon.

Sa lumabas na photo ng dalawa sa socmed sa una nilang tandem, samu’t-sari ang naging reaksyon ng netizen.

May mga nagsasabing bagay raw ang dalawa dahil pareho silang chinito at chinita.

Hirit pa nila, refreshing daw ang loveteam nina Heart at Richard dahil bago ito at kakaiba.

May ilan namang nagmamahederang nagkomentong wala raw chemistry ang dalawa dahil mukha silang mag-tito.

May nagsasabi ring hindi na bagay sa kanilang mga edad ang pabebe roles.

Pagtatanggol naman ng ilan, depende raw iyon sa kuwento at sa magiging atake nila sa kanilang May-December love story.

Ang malaking tanong ng balana: mag-iwan din daw kaya ng kilig at magic ang tambalang RicHeart tulad ng JoChard?

Richard ‘nadaya’ sa eleksyon

Sa panayam sa kanya ni Matteo Guidicelli sa podcast nito, paniwala ng Kapuso actor na si Richard Yap na nadaya umano siya noong 2019 national election.

Hirit pa niya, na-disappoint daw siya noon nang matalo siya sa kanyang congressional bid dahil hindi raw siya nabigyan ng pagkakataong makapagsilbi sa kanyang mga kababayan.

Gayunpaman, hindi na raw siya nagprotesta dahil madugong proseso raw ito .

Julia, Gerald nangangamoy kasalan

Marami ang nag-react sa photo ni Gerald Anderson na ipinost niya sa kanyang Instagram account habang nakaakbay siya sa girlfriend na si Julia Barretto.

May caption itong : “Partners”.

Hindi naman napigilang mag-react ng mga netizen sa naging post niya.

Anila, promoted na raw si Julia from being a girlfriend to wife material para sa actor.

Maybe, it’s a matter of time raw na malapit nang magpakasal ang dalawa.

May ilang malisyoso pang binigyan ng kahulugan ang pagtulong ni Gerald na umanoý malamang na pumasok ito sa politika.

Pagtatanggol naman ng ilan, matagal nang nagkakawanggawa si Ge kaya hindi dapat bigyan ng anumang kulay ang kanyang pagtulong.

Ito ang ilan sa mga komento ng mga netizen.

“Naks upgraded. From gf to partner.”

“Pero si girl biglang na-“down grade”…Nawala ang sosyal nyang image😭😭”

“Tatakbo siguro to sa eleksyon daming paandar e charooot.”

“Dati na siyang tumutulong. Hindi bago sa kanya iyan.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.