Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart pasabog ang baunan

0 90

NI: ALWIN IGNACIO

Hindi na kataka-taka kung bakit amazed at amused ang masa sa baunan ni Heart Evangelista.

Designer brand kasi ito. At alam naman natin si Love Marie Ongpauco-Escudero, nasa naturalesa niya na talaga na ang mga sinusuot at pati na nga abubot, eh pulos foreign sounding ang names.

SM food to go Banner Ad

Sana lang, kung pangmalakasan ang suporta ni Mrs. Escudero sa imported items, palong-palo rin ang pagyakap niya sa mga produktong sariling atin.

Alam ko marami siyang Filipino designers na siya ang muse and she proudly wears them. Kaya lang, talagang hindi makakaila na ang mga banyaga niyang material acquisition ang mas pinapansin at binibigyang atensyon ng mga fashion at lifestyle mavens at mga new moneyed.

Sa mga kumukuda namang insensitive ang ganitong pagpapakita ng rangya ngayong may pandemya, juice colored! Tama na po ang ganyang mga dramarama Kung offended na offended kayo sa display of wealth and privilege ni Love Marie, eh di wag niyong pansinin at punahin. Sa mas kapaki-pakinabang na bagay niyo gamitin ang enerhiyang iyan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.