Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart paseksi sa P40K bikini

0 244

Minsan pa ay napanganga ang mga netizen sa recent Instagram post ni Heart Evagelista na ibinabandera ang kanyang mamahaling swimsuit.

Nag-post si Heart ng larawan na suot-suot niya ang isang Louis Vuitton one piece swimsuit. Sa caption, saad niya, “well, it’s still summer somewhere! @louisvuitton.”

As expected, nagkagulo na naman ang kanyang followers at pinuri ang pagka-sosyal ni Heart.

“Only you can carry this na Hindi mukhang tacky! So classy!” sey ng isang netizen.

“Sana maka soot din ng ganyan 😢 #lvbakanaman,” kantyaw naman ng isa niyang follower.

Komento naman ng isa pang IG user, “the most expensive swimsuit! 🙌🔥❤️ LV.”

Ang dami ring pumuri sa beauty ni Heart at sey nila, hindi raw tumatanda ang aktres at parang high school pa rin ang looks.

Sa US website ng Louis Vuitton ay makikita ang presyo ng suot ni Heart na white monogrammed bikini. Nagkakahalaga ito ng tumataginting na $800 at sa pera natin ay nasa P40,000.00.

Sanya pinaiyak ng netizen

Pinaiyak si Sanya Lopez ng isang netizen na nag-post ng nakakaantig na kwento tungkol sa ama nitong may malubhang karamdaman.

Sa kanyang Instagram account ay inirepost ni Sanya ang post ng netizen na avid viewer ng serye niyang First Yaya. Naka-tag ang aktres sa nasabing post kaya naman nakarating sa kanya at nabasa niya.

SM food to go Banner Ad

Kwento ng netizen na may user name na @silents74425532, a week before the premier of First Yaya last March ay may dumating na isang malaking pagsubok sa pamilya nila. Na-diagnose ang daddy niya na may malubhang karamdaman.

In just 1 week ay bumagsak ang katawan ng tatay niya mula sa 55 kilos to 55 kilos. Buhat nu’n ay naging malungkot na lahat sila at hindi na raw sila nagbubukas ng TV dahil ang dad niya raw talaga ang mahilig manood. After dinner, magdadalas daw sila at magkukulong na sa sari-sarili nilang kwarto.

Nang mag-pilot daw ang First Yaya last March 15 ay nagkataong nagbukas siya ng TV dahil nabibingi na siya sa katamihikan ng bahay.

Sa pilot pa lang daw ay napangiti na sila ni Sanya at kahit paano ay nakalimutan ang lungkot. And from then, sinubaybayan na nila ang serye ng aktres at ni Gabby Concepcion.

Sa serye ay namatay ang tatay ni Sanya at sey ng netizen, lagi niyang naaalala ang eksenang ‘yun na siyempre ay ayaw naman niyang makita ang sarili sa same situation.

Dumating na raw sa point na almost dying na ang ama niya at mas lalo pang pumayat (50 kilos).

Pero bago raw magtapos ang March ay may nakita silang kaunting improvement sa ama at tinanong daw sila one time kung ano ang kanilang pinapanood.

“I told him ‘bago po ng gma, first yaya, si sanya. Alam kong kilala niya si @sanya_lopez kasi mas madami pa siyang kilala kesa sakin. Hehe. And you know what pagpasok ng month of April nagstart siyang makarecover,” kwento ng netizen.

Dagdag pa nito, “and I’m glad to say last month pa namin siya kasamang manood ng first yaya gabi gabi. 60 kilos na ang weight niya. Dati 8 klase ng meds yung tinetake niya, ngayon 2 na lang. Sya pa nagsabi sakin na ‘malapit na palang matapos si yaya melody.’”

Bagama’t nalulungkot daw sila na magtatapos na ang First Yaya (last two weeks na lang), sa kabilang banda ay masaya naman daw sila na malakas na ulit ang kanilang ama.

“And blessing sa amin ang First Yaya para magkaroon ng chance na tumawa sa gitna ng problema,” pagtatapos pa ng netizen at ibinahagi ang quote na “when we put our problems in God’s hands, He puts His peace in our hearts.”

Needless to say, sobrang na-touch si Sanya sa kwento ng netizen at aniya, ipinagdarasal niya ang tuluyang paggaling ng ama nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.