Abante Tonite Interactive

Heart pinagtatalunan ang pagbubuntis

0 439

Kadalasan talaga, a picture can indeed paint a thousand words, pwede ring confusion o kaya pangmalakasang argumentation at debate.

Isang panalong halimbawa, ang the most beautiful at sosyalin of them all, si Love Marie Ongpauco-Escudero, na mas kilala natin bilang Evangelista, may IG photo post.

Sa larawan, kandong-kandong siya ni hubby dearest, Sorsogon Governor Chiz Escudero at ang mga kamay ni Ginoong Escudero, sa tummy ni Evangelista nakapatong.

Kung pagmamasdan mong maiigi ang larawan, parang medyo maumbok ang belly ni Love Marie. Parang busog lusog, o dahil nga sa nakakandong siya, kaya parang maumbok ang tiyan.

Para naman sa ibang mga netizen na sobrang mataba ang mga imahinasyon, ang kanilang pakiwari at iniisip, buntis na nga ang tunay na Mrs. Escudero.

Sa true lang tayo, habang tinitipa ko ang pitak ko, ang kandungan photo ng mag-asawang Escudero, almost 130K likes na at mahaba-haba na rin ang 409 comments na halos lahat ay positibo.

Abangan na lang natin ang susunod na kabanata kung totoo nga ang kutob at vibrations ng mga netizen na may supling na sinapupunan ni Heart Evangelista. Walang namang duda kung talaga totoo ang mga haka-haka, siguradong-siguradong mag-aanunsyo ang Escudero power couple. Kaabang-abang nga naman ang kaganapang ito.

Bea dating babae sa dilim

No stones are being left unturned talaga para sa promo blitz ng “Unbreakable.” Ratsada ang mga artista nitong sina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Richard Gutierrez sa mga mall show at top rating Kapamilya program, huh!

Ang sisipag nilang tatlo. Siguro nga, kung hihilingin sa kanilang mag-palengke, barber shop, pati na rin beauty salon visits, maaring may chance na gawin nila para lang masigurado na hindi lang ang madlang pipol ang kanilang maabot, kundi pati na rin ang balana at dabarkads, marahuyo nilang panoorin ang pelikula nilang grade A ang markang galing sa Cinema Evaluation Board (CEB).

Guaranteed ang 100% tax rebate pag graded A pero kadalasan, hindi sapat iyan para maging mausisa ang mga manonood na sumugod sa mga sinehan para tangkilikin ang isang pelikula lalo na nga’t kamahalan na talaga ang ticket. Para sa descamisados at hoi polloi ang presyuhang P260 to 320, pagkain na maghapon. Pang-middle class na lang talaga ang mag-movie watching nowadays.

Sana rin, ang mga surprise outburst ni Bea in particular, eh makatulong para ang mga boy, girl, bakla at tomboy, na super naka-relate sa kanyang pinagdaanan. Ipadama talaga ang suporta at pagmamahal sa kanya ng pelikulang palabas ngayong araw na ito.

Sa kanilang guesting ni Panganiban sa “Gandang Gabi Vice,” na balita ko eh na-hospital na nga raw dahil sa ratsandang promo, feel na feel ko na tapos na ang kanyang “madilim ang iyong paligid” days. Hindi na siya ang babaing nawawala sa sarili at babae sa dilim, bongga!

Panalong-panalo lang pagmasdan na ang dalawang mahusay na aktres ay mga buhay na patotoo na living well, and beautifully at that, after a messy break up, is indeed the best revenge.

At ang mga bagay-bagay eh tunay na gumagaan, with a lot of help from friends, and even from the kindness of strangers.

Christmas décor ni Belo Imeldific

Mayaman na mayaman naman talaga si Dra.Vicki Belo kaya hindi na masyadong nagdabog ang bangs ko na pati ang kanyang Christmas décor sa kanyang mansion ay may coverage sa telebisyon.

Kung ang mga giant Christmas tree nga na pinapapa-ilawan sa iba’t-ibang siyudad sa metro at mega-Manila may coverage, ang mga palamuti pa ba sa bahay ni Belo na ang may konsepto raw ay si Scarlet Snow at ang decorator ni Oprah Winfrey na Stephen Brown ang nag-design.

Sabi ni Dra. Belo sa panayam, sila raw ang “first dibs” sa disenyo ni Brown. Para siguro mabura ang dating na medyo ostentatious ang kanyang décor, ang center piece pa rin sa balay Belo ay ang belen dahil nga ang reason for the season, ayon na rin sa asawa ni Hayden Kho, siyempre pa ay ang kapanganakan ni Jesus Christ.

Kaya, aarko pa ba ang kilay natin sa news worthy item na ito? Hindi na. Keri naman nila na magmaganda at pribelihiyo nia Dra. Belong magsuplada kasi nga mayaman sila, huh!

Ang gusto ko ring malaman, ang mga karibal kaya ni Dra. Vicky sa beauty business, ano naman kaya ang mga palamuti nina Doctors Manny at Pie Calayan, Dra. Ellen Lising at iba pa? Kaya ba nilang kabugin ang design aesthetics at budget ng mag-inang Vicky at Scarlet Snow?