Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart sa mister: Mawala na ang lahat wag lang ikaw

0 64

Sunod-sunod ang post ni Heart Evangelista ng birthday greetings para sa kanyang mister na si Sorsogon Governor Chiz Escudero na nagdiwang ng kaarawan kahapon, October 10.

October 9 pa lang ay may maaga nang pagbati si Heart sa Twitter.

“Celebrating someone special tonight,” ang tweet niya last Oct. 9.

Sinundan niya ito ng isa pang tweet na “nakiki bday salubong… charaught . Happy birthday in advance sweetheart !!:)”

Ipinost niya rin ang larawan ng birthday salubong ni Chiz na nagbo-blow ng candle kahapon ng madaling-araw.

Sa Instagram naman ay dalawang beses niya rin itong binati.

“I know it’s your birthday, but you’re the best gift I’ve ever received,” ang mensahe ni Heart sa asawa.

Pero hindi pa nakontento si Heart dahil may pasabog pa siyang birthday message sa Twitter.

“Happy birthday to my darling @SayChiz it’s your day and I’m so damn happy our stars aligned 🙂 you are such a blessing to all of us mawala na lahat wag Lang ikaw 🙂 mahal na mahal kita happy birthday darleeeeeng,” ang napaka-sweet but cheesy na mensahe ni Heart sa mister.

Pati ang mga netizens ay kinilig sa birthday greetings ng aktres.

“That “mawala na ang lahat wag lang ikaw” NAOL,” komento ng isang netizen.

“Ows…darleeng. Im shivering. Kinikilig sa tagalog,” reaksyon naman ng isa.

“Awww so sweet naman po miss Heart. Happy Birthday Gov,” reply ng isa pang follower.

Barbie pinaliyab ang IG

Pinagliyab ni Barbie Imperial ang mga Instagram followers niya kahapon sa sexy photo na kanyang in-upload.

Sa larawan ay nasa dagat si Barbie at naka-white two piece swimsuit. Caption niya, “Happy Sunday.”

Lutang-lutang ang pagka-sexy ni Barbie sa larawan gayundin ang kanyang super-flawless skin.

Kaya naman umani agad ito ng katakot-takot na likes at comments.

Ilan sa komento ng netizens, “Nakakabulag ka siz,” “Sexyyy,” “GANDA MOOOOOO,” “jusko barbie bakit ka ganyan!!!” “Sobrang hot,” “beautiful in white,” “Grabe naman talaga, “he’s such a goddess wtf.”

Samantala, kasalukuyang ginagawa ni Barbie ang first movie team-up nila ng boyfriend na si Diego Loyzaga na may titulong Patungong Tayo written and directed by Fifth Solomon under Viva Films.

Leave A Reply

Your email address will not be published.