Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart siniraan ng designer

0 147

Sa isang vlog, ipinakita ni Heart Evangelista ang kanyang pabolosong shoe collection.

Marami ang humanga sa mga naipundar niyang mamahaling sapatos .May mga netizen din na nagsabing “it’s far from being Imeldific.”

Habang nagso-showcase ng kanyang collection, hindi mapigilan ng Kapuso actress na isiwalat ang tungkol sa isang Pinoy designer na umanoý sinisiraan siya kapag nakatalikod siya.

Madalas daw na kasi na nagdadayologo ito na ang tanging maipagmamalaki raw nito ay isang pares ng nude heels from Christian Louboutin.

Hindi naman pinangalanan ni Heart kung sino ang tinutukoy niyang designer na bina-bad mouth siya.

“There is this Filipino designer I’m not going to name, but a lot of my friends would tell me that he would always say bad things about me and he would say ‘Oh she only has one pair,'” pagbabahagi niya.

Sey naman ni Heart, mas importante raw sa kanya ang magtago o mangulekta ng key pieces ng branded shoes kesa i-pamper ang sarili sa kung ano ang latest.

“I think it’s so nouveau riche. Fashion is made for a lifetime. It’s not just for the season. So when people tell you that ‘luma na yan,’ forget it. To hell with what they say. It’s about how you feel,” paliwanag niya.

May mga nang-uurot naman sa fashionistang actress na ibuking kung sino ang nasabing fashion designer pero minabuti na lang nitong huwag nang bukuhin pa ang kanyang basher.

Agree naman ang ilang followers niya na huwag nang tukuyin pa ang laiterang designer dahil baka pa raw sumikat ito. (Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.