Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart tanaw-balik sa away kay John

0 207

NI: VINIA VIVAR

Ibinunyag ni Heart Evangelista na naging mag-MU (mutual understanding) sila ni John Prats na dati niyang ka-loveteam noong time na nagsisimula pa lang siya at nasa ABS-CBN pa.

Sa kanyang latest You Tube vlog na may titulong “Reacting to Old Videos of Myself on the Net,” makikita si Heart na pinanonood ang kanyang mga lumang videos.

The first clip that was shown ay ang pagsasayaw nila John sa ASAP at makikita ngang napa-“yuck” pa si Heart habang tawa nang tawa na tila nahihiya sa sarili.

Maya-maya ay ini-reveal na niya kung ano talaga ang naging relasyon nila ni John.

SM food to go Banner Ad

“You know what, I really spent a lot of time with John Prats growing up coz were like the love team. He was my MU. I remember our ano (anniversary) pa then was 02-02-02 nung naging MU-MU kami nun’g bata kami,” kwento ni Heart.

Pero siyempre, nawala rin daw ito at ngayon ay magkaibigan naman sila.

“We’re friends now though but we were just very comfortable with each other. So, yeah,” she said.

May ipinakita ring clip si Heart na isang eksena nila ni John sa pelikulang My First Romance at ikinuwento niyang nag-aaway daw sila ng aktor nang kunan ang eksenang ‘yun.

“Alam ko rito sa part na ‘to, magka-away kami ni John Prats. Nag-aaway kami kasi may nanliligaw na sa akin na iba no’n. Eventually, naging boyfriend ko ‘yung person na ‘yun. Nag-aaway kami no’n,” pagbabalik-tanaw pa ng aktres.

Leave A Reply

Your email address will not be published.