Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart tinangging ginagatasan ang dyowa

0 128

NI: ARCHIE LIAO

Sa panayam ni Karen Davila sa kanyang vlog, nilinaw ni Heart Evangelista na hindi niya pinakasalan si Chiz Escudero dahil sa pera nito.

Katunayan, kahit di man raw matatawag na crazy rich siya, marami raw naman siyang naipundar sa kanyang pag-aartista.

Kumikita raw naman siya hindi lang bilang artista kundi bilang endorser, model, vlogger at businesswoman.

“When people say na he spends for me, no, not at all. But if there’s anything that I want them to know is, I mean I make my own. I’m not crazy rich. It’s just that I’ve been working for a long time. Pero meron din ako sa sarili ko. And the only reason why is because I think para malinis. I also wanted him to feel na hindi ko siya gagamitin,” ani Heart.

Ibinahagi rin niya na may prenuptial agreement sila ni Chiz kaya may kanya-kanya silang pera.

Hindi rin niya idinenay na ang prenup nilang mag-asawa ay bilang pagtalima na rin sa kagustuhan ng kanyang ina.

Aminado rin ang Kapuso actress na bilang fashionista ay mahilig daw siyang mag-shopping.

Bagamat hindi nakikialam si Chiz sa kanyang mga luho, may mga pagkakataon daw na nagpapaalala ito sa kanya sa paghawak niya ng pananalapi.

Sa naturang panayam, sinabi rin ni Heart na gusto pa nilang magkaanak kahit isa ng mister pagkatapos ng kanyang naging miscarriage noon.

Gayunpaman, kung hindi raw naman maibibigay ang biyayang ito sa kanya, okey na rin daw siya sa estado ng kanyang buhay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.