Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart tinawag na pangit

0 423

Nag-live session si Heart Evangelista sa IG last Wednesday at sinagot ang mga katanungan ng kanyang followers.

Out of the blue ay biglang may nag-comment ng “ang pangit mo.”

Composed na sagot ni Heart, “thank you so much!” at dalawang beses pa niyang inulit.

Dagdag niya, “alam mo minsan, ‘di ko ma-gets ba’t nahahaluan ng bashers. If you hate me so much, stop watching!”

May nag-comment naman na huwag na lang itong pansinin at sagot ng aktres, “no, I don’t mind them, it’s okay. I’m so used to being bashed actually. There was a time in my career I was bashed so much every day that would really bother me.”

Related Posts

Pero one time raw ay inisip niya na lang na may kapalit na blessing ang bawat pangba-bash sa kanya at nagkatotoo nga.

“And they still kept on going, kept on going, until all these great things started to happen.”

Since then ay lagi na raw ganu’n ang nangyayari na kapag binaba-bash siya ay may magandang kapalit.

“So, guys, it’s okay to be bashed, believe me especially if you’re not doing anything. Pay back,” nakangiti niyang sabi.

Hindi raw niya bina-block ang mga bashers dahil counted pa rin ang mga ito as her followers.

“Bakit ko sila iba-block? Di bumaba ang followers ko. Ire-restrict ko na lang sila para gigil na gigil sila kasi hindi lumalabas and I can’t read it and I don’t look at it, so invisible lang sila,” sey niya. (Vinia Vivar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.