Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart tinawag na ulol ang basher

0 104

Ang la eleganza at la extravaganza fashionista Love Marie Ongpauco-Escudero, na mas tanyag sa screenname niyang Heart Evangelista, best in English ang pagtataray sa isang bastos na basher.

May social media post kasi si Evangelista na ang isinulat niya ay : “Tara rampa” at kitang-kita mo naman na ang suot niyang outfit of the day ay screaming as “branded” at pang-lifestyle of the rich and famous talaga ang kanyang pang-rampang isinuot.

Ang bastos na basher, ang talak sa panawagan ni Evangelistang rumampa ay: “Para ka ng nababaliw, wala kasing anak na pagkaabalahan.”

SM food to go Banner Ad

Ang pagpatol ni Love Marie ang mas nakaka-shookt kasi hindi makapaniwala ang the diva that you love na alam niya ang first word na sinulat niya sa kanyang rebuttal: “ULOL. The only word your vocabulary can attain.”

Hindi ba! Barubal salita muna tapos ang kasunod ay best in English na panlilibak mula sa nag-iisang Mrs. Francis Joseph Escudero. Iba rin talaga pag siya na ang nagtataray. Talagang alam niyang kumilos ayon sa kanyang ganda at sa true lang tayo, may pribelihiyo naman talagang magsuplada ni Heart Evangelista.

Mukhang hindi na nakapag-counter talak ang bastos na basher dahil talaga nga namang literal na alikabok ang ipinalamon sa kanya ni Love Marie Ongpauco, hindi ba naman?

Leave A Reply

Your email address will not be published.