Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart tumanggi sa P8M car endorsement

0 63

NI: VINIA VIVAR

Itinanggi ni Heart Evangelista ang tsismis na hindi niya ginagamit ang mga produktong ine-endorse niya at diumano’y ipinamimigay lang daw niya sa kanyang mga staff.

Paglilinaw niya sa kanyang latest YouTube vlog, kabaligtaran nga raw ito actually.

“I use it and they usually tap me (to endorse), so if I like something that’s when they come forward,” aniya.

Tsika nga niya, kinukuha nga raw siyang endorser ng isang kotse pero tinanggihan niya just because hindi siya marunong mag-drive.

“There was this car that was asking me to endorse them and I don’t drive. So, how can I fake that? And I had to decline it,” kwento niya.

SM food to go Banner Ad

Tumataginting na P8 million pesos daw ang offer sa kanya at talaga raw nanghinayang siya.

“It was pretty big, it was about 8M. And that was like, aray! But then, you know, I always stay true to myself and to whatever I endorse, because again, I don’t wanna live the lie and so that’s why, I turned down a lot (of endorsements) actually. Not that I don’t like it, I really like it. But it’s just not something I use all the time,” sey pa ni Heart.

Pero kung sa pamimigay ng stuff sa staff ay oo naman daw at isine-share raw niya lahat sa kanyang mga tauhan ang lahat ng mga ipinapadala minsan ng kanyang mga sponsors.

“I get lots of like, sponsors that sends me boxes of lotions, or coffee or what. My language of love is giving and I love sharing that with my staff,” she said.

Leave A Reply

Your email address will not be published.