Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heart umalma na edited ang katawan

0 294

May pasabog si Heart Evangelista sa kanyang Instagram page.

Nag-post ang Kapuso actress ng kanyang bikini photos na talaga namang pinagpistahan ng kanyang mga follower.

Sa nasabing post ay makikita ang kaseksihan ni Heart wearing a red 2-piece bikini habang nasa beach.

Caption ng aktres, “life takes you down many paths, but the best ones lead to the beach.”

Inulan ng papuri si Heart at maging si Maja Salvador ay nag-react ng fire emojis.

“You are the only one who can make a 2 piece bikini look so classy and sophisticated,” komento naman ng isang netizen.

Sey naman ng isa niyang follower, “nakakaloka!!!! Mas pinainit ang summer! The bod❤️❤️❤️ gosh! Super sexy!”

Pinuri ang flawless skin ni Heart at ang iba nama’y nagkomento na hindi siya mukhang 40s.

Pero may netizen pa rin na nagkomento na edited daw ang mga nasabing larawan.

“The second photo is obviously edited the lower boob part and one from arm to hand is distorted. Not a basher tho’, just from graphic artist eyes and opinion,” komento ng netizen.

Hindi pinalampas ni Heart ang sinabi ng netizen at sinagot niya ito

“If I edited I should of hired the best photog. All I edited is the filter to fit my feed. It’s hard work. I would never even post. As you know, I don’t post stuff like this.

“But with @kimkingskitchen we worked so hard to get healthy and fit so enough with the negative stuff. We don’t need that stuff now darling,” sagot ni Heart na halatang naimbiyerna.

@@@

Megan, Mikael humingi ng tips na magka-baby

Humingi ng advice ang showbiz Kapuso couple na sina Megan Young and Mikael Daez sa mag-asawa ring sina Kryz Uy and Slater Young tungkol sa pagkakaroon ng baby.

Sa Skypodcast vlog nina Slater and Kryz ay guest sina Megan and Mikael at isa nga sa napag-usapan nila ay ang tungkol sa pagkakaroon ng baby.

“Do you have any advice for us ba kasi siyempre we don’t have kids yet. We got married last year, so Kryz, do you have any advice for me for our future family and Slater, do you have any advice for Mikael?” ang tanong ni Megan.

“Sa akin, it really changes the dynamic of the relationship by far more than having your own home kasi when we were building the house, parang may conflict din kami from time to time, very rarely.

“But pag may anak na, it’s not just Kryz being my wife, mother na rin siya, eh. So ang role na pine-play niya, sobrang dami na. She also has to work, she also has to have enough energy, to breastfeed, feed the baby, like everything,” sagot ni Slater.

Kaya siya raw ang tagabantay ni Kryz at si misis naman ang nagbabantay sa anak nila.

Sabi naman ni Mikael, “I’m gonna keep that in mind.”

Sagot naman ni Slater, “oo, pero kailangan, sobrang understanding ka, bro. Parang hindi mo malalaman na. . . parang ‘san ‘to nanggaling bigla, ‘tong iyak na to?’ Parang ganyan.”

Sabi naman ni Kryz, talaga raw nang nanganak siya ay naging second priority na niya si Slater.

“I’m like I’m a mother first, wife second,” she said.

Dagdag pa niya, “How can I be a wife, I’m covered in drool, I’m so tired… I don’t feel pretty.”

Tanong naman ni Mikael, “what do we gain by waiting? What do we gain if we have a baby now?”

Ayon kay Slater, once na nagka-baby na ay ‘no turning back’ na at ang baby na talaga ang magiging priority. Hindi na raw ganu’n kadali kapag nagyaya ang mga friends na lumabas at hindi na rin pwedeng umalis-alis nang biglaan.

Sey ni Kryz, “guys, it’s really the most cliché, but also the most beautiful kind of love, really like. . .ah grabe, the love that a baby brings, ibaah, like hindi ko siya ma-paint.”

Hindi man sinabi nina Megan and Mikael, mukhang naghahanda na rin silang magkaroon ng baby anytime soon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.