Abante Tonite Interactive

Heart walang K maging hurado ng Starstruck

661

Inanunsyo na ng GMA-7 ang mga hurado na magiging miyembro ng council sa pagbabalik ng Starstruck, ang orihinal na Kapuso artista reality search show.

Samu’t-saring reaksyon ang inani nito mula sa netizens.

Merong aprub sa lineup at meron din namang hindi solb sa mga napiling judges ng nasabing reality show.

Isa si Jose Manalo sa nakatanggap ng batikos dahil naniniwala ang mga netizen na mas may K na maupo bilang judge si Michael V

Ganoon din naman si Heart Evangelista na hindi pinaligtas ng isang basher.

Sey ng isang netizen na nagpakilalang @­Elenaluna222: “Prng d bagay c heart mging judge nyan. Alam lang nyan pumorma ng pumorma. Ni hindi nga mrunong sumayaw at kumanta khit pag arte d nmn masydong mhusay. Npkrming peedeng mging judge. Sn c joey de leon uli isama.”

Ang Starstruck, Season 7 ay nagbaba-lik ngayong Hunyo.

Ang Kapuso Primetime King na sina Dingdong Dantes at Season 1 Ultimate Female Survivor Jennylyn Mercado ang GMA hosts nito. (Archie Liao)