Abante Tonite Interactive

Heart willing mag-stay sa Sorsogon

0 445

Proud wife si Heart Evangelista sa pagkakapanalo ng asawa niyang si Chiz Escudero bilang Gobernador ng Sorsogon.

Nag-post si Heart sa kanyang Instagram kahapon and congratulated the new Sorsogon governor.

“Congratulations to my Governor Chiz Escudero! You’ve worked in the senate for such a long time, but now, it’s time for you to concentrate in your beloved Sorsogon, the place which you and your family have loved for years.

“For the past few months, you’ve told me endlessly about your plans for Sorsogon – developing their tourism, sports programs, health programs, and agricultural industry. I cannot wait to see your visions come to life. Sorsogon, it’s your time to shine!

“My love, I’ll always be here for you, cheering you on forever,” ang nilalaman ng post ni Heart.

Ngayong Gobernador na ng Sorsogon ang mister, nagpahayag na rin si Heart na willing siyang mag-stay na sa nasabing lalawigan. Sa panayam ng GMA News sa kanya, sinabi ng aktres na mahirap man para sa kanyang trabaho ay kakayanin niya ito.

“I have to go! Although I’ll be constantly working, pero kakayanin ko,” bulalas ni Heart.

Kung sakali, ani Heart ay gusto raw niyang magkaroon ng shelter for abandoned dogs sa Sorsogon.

“You know I don’t mind having a little house there. I really love goats and I really wish to have a shelter there for dogs.

“If things turn out the way we want, as much as I can, I really want to help out in the animals there. I don’t mind actually staying there. I really enjoy it there, super!”
***

Dennis kay Jennylyn: ‘My beach baby’

Simple lang ang birthday greetings ni Jennylyn Mercado sa boyfriend na si Dennis Trillo na nagdiwang ng kaarawan last May 12.

Nag-post si Jen ng dalawang larawan ni Dennis, ang isa ay solo nito at ang isa ay sweet photo nilang dalawa as they kissed each other.

Caption ni Jen, “When I think of you, my heart goes (lots of heart emojis in different kinds) Happy birthday @dennistrillo !”

Sinagot naman ito ni Dennis ng “I love you” with a green heart emoji.

Kasalukuyang nasa Dubai ngayon ang love birds para i-celebrate ang kanilang kaarawan. Jen is cele-brating her birthday today, May 15.

Sa kanyang IG Story ay nag-post na si Dennis ng larawan ni Jen na nasa beach at naka-pang scuba diving outfit. Sa caption, aniya, “my beach baby” at sa baba naman ay ang location nila na Bulgari Hotel & Resorts, Dubai.

One week lang ang bakasyon nina Jen at Dennis dahil kailangan ding umuwi agad ng aktres para sa kanyang ongoing rom-com drama series sa GMA-7, ang “Love You Two” katambal si Gabby Concepcion.
***

Bianca nalungkot sa pagkawala ng Badjao-look

Nag-trending sa YouTube ang transformation ng karakter ni Bianca Umali sa “Sahaya.” Sa nasabing episode ay makikitang ginawan siya ng make-over ni Lindsay (Ashley Ortega) bilang paghahanda sa unang pagbisita niya sa kanyang future school sa Maynila.

Sa ngayon ay mahigit isang milyon na ang views ng nasabing eksena.

Naging mainit man ang pagtanggap ng mga tao sa transformation ni Sahaya, medyo nalungkot naman si Bianca dahil nawala na ang kanyang dating ayos bilang Badjao.

“Kasi, sobrang na-attach ako bilang si Sahaya and sobrang minahal ko siya emotionally and physically, na nakakalungkot na hindi na mahaba ‘yung hair ko at ‘yung damit ko iba na,” pahayag niya sa panayam ng GMA News.

Maging ang mga leading man ni Bianca na sina Miguel Tanfelix at Migo Adecer ay nagbigay rin ng kanilang opinyon tungkol dito.

“Kapag nakabihis ako bilang Akhmad, ‘tas nakikita ko siyang nakaganyan, parang naninibago pa rin ako kasi ‘yun ‘yung character ni Ahmad,” sabi ni Miguel.

Sabi naman ni Migo, nagulat daw talaga ang karakter niyang si Jordan sa pagbabago ni Sahaya.

“Si Jordan lang, nagulat siya sa isang scene na nag-show na si Sahaya ng shoulders at curly na ‘yung hair niya.

“That’s why there was a scene where I took off the sunglasses and I was like, ‘Oh! Iba ito, ah!’” pahayag ng aktor.