Abante Tonite Interactive

Heartthrob, baguhang actor magkalaguyo

By
2,585

Kumbisidong-kumbinsido na ang isang heartthrob at isang baguhang lalaking kasali sa isang dance group ay may bromance bordering on the pink kind.

Ang isa pang kaibigang maricon, may nagbulong raw sa kanya na si heartthrob at baguhang la­laki, marami ang nakakapansin sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan na may mga panakaw na glances, laging magkadikit, laging at magkasama kumain. Pinaghihinalaang magkalaguyo.

Of late, sabi ni kaibigang maricon, si heartthrob at si baguhang lalaki, hindi na raw sinusundan ang isa’t isa sa kanilang mga social media account. Pakiwari nila, may trouble in the eskrima paradise.

Ang mga ka-migs ko talaga, malala ang mga imahinasyon. Pag dalawang magandang lalaki ba ang naging malapit sa isa’t isa, agad-agad, magsing-irog? Hindi ba pwedeng best friends talaga ang turingan at tunay na magkapatid?

Dapat niyong itigil ang panonood sa gay porn mga ka-migs para ang malisya at libog niyo sa katawan, kung hindi mawala, mabawasan. Huwag maging dudoso. Huwag OA ang mga imahinasyon.

At kung sakaling totoo nga ang kutob niyo, masama ba na maging happy together and gay sila?