Abante Tonite Interactive

Heartthrob male, female celeb pasaway sa manager

785

Hindi ginawang big deal ng da­ting management ng isang kilalang heartthrob (KH) ang pag-alis niya sa poder nito.

Walang sinabing masama tungkol kay KH ang dating boss at manager nito.
Ang tanging nasabi lang ni former mana­ger ay gusto kasing mag-focus sa ibang bagay si KH.

Tsika ng aming source, kaya maluwag na tinanggap ng dating management ni KH ang desisyon nito ay dahil naging pasaway na rin ito.

Naging mahirap na raw kausap si KH at nagbibigay na ito sa kanila ng sakit ng ulo. Nakadagdag pa ‘yung pakikialam ng taong malapit dito.

May mga nakapansin din na nahuhulog ang katawan ni KH at tila napapabayaan nito ang sarili dahil sa kung anumang pinagkakaabalahan nito.

Sa pag-alis na ‘yon ni KH ay hindi mala­yong sumunod din ang malapit dito na female celebrity (FC).

Balitang nagiging sakit ng ulo na rin si FC at hindi na nagugustuhan ng nasabing management ang attitude nito.

‘Yung isang project kung saan napalitan si FC ay hindi pala dahil hindi niya ito kayang gawin kundi tinanggal talaga siya dahil sa kanyang mga kaartehan.

Nakakalungkot kung totoong naging unprofessional na sina KH at FC, na tila wala na silang malasakit sa kanilang mga career na pinuhunan at pinaghirapan ng kanilang management.

Sayang dahil malayo pa sana ang ma­rarating nila pareho. Oh, well… (Allan ­Diones)