Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heat kontra Lakers sa Finals : Butler, Adebayo, Iguodala nagsanib

0 101

NAGLIYAB sa fourth quarter ang Miami para sapawan ang Boston 125-113 at kubrahin ang East finals series 4-2 Linggo ng gabi sa Orlando bubble.

Biyaheng NBA Finals ang Heat, haharapin ang dating player na si LeBron James at ang Lakers.

Game 1 sa Oct. 1, Huwebes (araw sa Manila).

Huling nakarating sa Finals ang Heat noong 2014, final year din ni James sa Miami.

Si playoffs veteran Andre Iguodala ang nagpasimuno sa kalas ng Heat mula sa see-saw fourth quarter.

SM food to go Banner Ad

Walong puntos lang ang kinaya ni Iguodala, 36, sa buong serye bago ang Game 6.

Nagising ang dating Finals MVP para kumonekta ng 15 points mula perpektong 5 of 5 field goal shooting, apat dito mula sa 3s.

Naglista si Bam Adebayo ng career-high 32 points, may sahog na 14 rebounds at 5 assists. Nagdagdag pa si Jimmy Butler ng 22 points at 8 rebounds, may 13 points at 7 assists si Goran Dragic.

Nagsumite ng pinagsamang 50 points sina Jaylen BroWn at Jayson Tatum pero hindi naisalba ang season ng Celtics.

Inumpisahan ni Tatum ang laro na 0 of 7 bago kumana ng 5 of 8 tungo sa 12 points sa second quarter. Tinapos niya ang half na may 6 rebounds at 8 assists pa.

Kumakapit lang sa 88-86 lead pagkatapos ng three ang Heat bago unti-unting kumalas sa final stanza. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.