Abante Tonite Interactive

Heaven ‘Di kinaya si Pacboy

1,042

Kuripot, istrikto:

Ni Mildred Bacud
Kumpirmadong break na sina Heaven Peralejo at Jimuel Pacquiao na binansagang ‘Pacboy’ ng boxing. Tumagal lamang ng halos limang buwan ang relasyon nila.

Wala pa sa kanila ang nagsasalita tungkol dito pero reliable ang aming source. May mga paglilinaw lang sa mga naglabasang isyu na ang lumalabas na masama ay ang young actress. Grabe ang mga bash sa kanya na kaya raw hiniwalayan ng anak ni Senator Manny ay dahil sa bilmoko girl ito.

Sey ng aming source, paano raw magiging bilmoko si Heaven kung sa duration ng kanilang relasyon ay wala pa namang naibibigay itong mamahaling material sa dating nobya?

May pagkakuripot nga raw ito na ang madalas lamang ibigay ay bulaklak. Pero siyempre, wala naman ito kay Heaven na hindi pera ang habol. Ang totoong dahilan daw ng break-up ay ang pagiging masyadong controlling at istrikto nito. Mahigpit nga sa pananamit. Nagsuot lamang daw ng hindi kaiksiang skirt o palda si Heaven ay nagalit na ito at inaaway na siya nang bonggang-bongga.

Pangalawang beses na nga nilang break-up ito na nu’ng una ay tungkol naman sa opinyon ni Heaven sa isang isyu bilang Christian, na hindi nagustuhan ni Jimuel. So, si Heaven ang nakipaghiwalay at hindi ang anak ni Jinkee. Nakikipagbalikan nga raw ito sa young actress pero ayaw na niya.

In fact, bago pumunta sa Amerika si Jimuel para sa laban ng kanyang tatay na si Manny ay pumunta ito sa bahay ni Heaven. Gusto niyang makipag-ayos pero hindi na raw siya hinarap ng young actress.

Dagdag pa ng aming source, kung bilang boyfriend ay ganito na ang pinakita ni Jimuel, what more kung maging mag-asawa sila?

Bukas naman ang Abante Tonite sa panig ni Jimuel sa isyung ito.