Abante Tonite Interactive

Heaven ‘di pera ang habol kay Jimuel

0 481

Ipinagtanggol ni Jimuel Pacquiao ang girlfriend na si Heaven Peralejo mula sa mga bashers na nagsasabing pera lang umano ang habol nito sa kanya.

Nitong Marso kasi ay umamin na ang dalawa sa tunay na relasyon nila. Ayon pa nga sa anak ng ­boxing champ, niligawan niya umano ang aktres at hiningi ang basbas ng magulang. Pinatunayan niya na mabuti ang intensyon niya.

Duda naman ang mga netizen sa relasyon nila. Iniintriga nila na dahil anak ng isa sa pinakamayaman sa bansa si Jimuel, hindi pagmamahal kundi pera lang umano ang nais ni Heaven.

Sey ni Jimuel sa launching niya bilang endorser ng BNY, “It’s normal po na we can’t please everybody. Ang masasabi ko lang po is, sa mga nagba-bash, they don’t really know who she is and what she is like. For me, it’s okay, they don’t really know who Heaven is.”

Ikinuwento rin ni Jimuel kung bakit niya nagustuhan ang aktres.

Aniya, “She’s a family type of person, just like me, na love na love po namin ang family namin.” (Ronaline Avecilla)