Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heaven humirit ng P100K kay Pacquiao

0 196

NI:ARCHIE LIAO

Naba-bash ngayon si Heaven Peralejo dahil sa pambubuking ng beteranang showbiz columnist na si Lolit Solis na humingi raw ito ng tulong kay Manny Pacquiao.

May pralala pang sa halip na si Pacman, ang misis nitong si Jinkee Pacquiao ang nagkaloob ng tumataginting na P100 k kay Heaven.

Hindi rin nagustuhan ni Manay Lolit ang paghingi umano ng tulong ng dalaga sa Pambansang Kamao, dahil in bad taste raw ito dahil baka mapagkamalang sugar daddy niya ang Senador.

Para raw walang malisya, dapat daw ay kay Jinkee na lang ito lumapit dahil kabaro niya ito para hindi mabigyan ng iba pang kulay.

Dahil sa alingasngas na ito, binabatikos si Heaven ng mga netizen.

Pinararatangan pa nga itong walang delikadesa umano ,to think na noong una raw ay hindi naging maganda ang naging hiwalayan nito kay Jimuel, panganay ng mag-asawang Pacquiao.

May mga nagtatanggol naman kay Heaven at nagsasabing in good terms na ito sa mga Pacquiao.

May pinalulutang din ang mga kibitzers na kaya inayudahan ni Jinkee ang ex ng anak ay dahil nagkabalikan na ang dalawa.

Hirit naman ng iba, hindi raw dapat binibigyan ng malisya ang pagtulong ng mag-asawa dahil likas sa mga ito ang pagiging matulungin.

Anyway, bukas ang pahinang ito sa paliwanag ni Heaven sa paghirit niya umano ng P100k kay Manny.

Leave A Reply

Your email address will not be published.