Abante Tonite Interactive

Heaven, Jimuel hiwalay na?

700

Noong umamin sina Heaven Peralejo at Jimuel Pacquiao tungkol sa kanilang relasyon, marami ang natuwa sa young showbiz couple.

Katunayan, marami ang nagsasabing bagay sila. Swak nga silang love team kung magdedesisyon ang panganay ni Pacman na pumasok sa pag-aartista.
Marami rin ang pumupuri kay Heaven dahil suportado nito ang hilig ng nobyo sa pagbo-boxing.

May mga nagsasabi rin na dahil sa ipinakikita nilang sweetness sa isa’t isa, ideal ang kanilang relationship.

Matatandaan ngang sa isang pa­nayam, inamin pa noon ng inang si Jinkee Pacquaio na boto siya sa relasyon nina Jimuel at Heaven.

Ngayon, tila nawindang ang mga netizen dahil nabago ang ihip ng hangin sa pinakabago nilang ganap.

Nag-unfollow sa isa’t isa ang magdyowa at dinelete pati ang mga photo ng bawat isa sa kanilang respective IG accounts.

Dahil dito, lumutang ang espekulasyon na hiwalay na ang dalawa at tila malalim ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. (Archie Liao)