Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heaven nanganib sa finale ng ‘Bagong Umaga’

0 227

NI: ROLDAN CASTRO

Napatunayan ni Tisay (Heaven Peralejo) ang pagkakasangkot ni Diana (Glydel Mercado) sa mga trahedyang nangyari sa kanyang pamilya at sa mga kaibigan ngayong huling araw ng “Bagong Umaga.” Manganganib ito at ang kanyang mga magulang dahil nakatakas si Diana habang inililipat sa ibang mental facility.

Natuklasan ng ospital at mga awtoridad na nakikipag-usap si Diana sa mga kahina-hinalang mga tao sa labas gamit ang isang telepono. Hindi alam ng lahat, sinadya ni Diana na mahuli dahil magkakaroon ito ng pagkakataon na tumakas.

Hindi nakuntento si Diana sa pagtakas at nang malamang buhay ang tunay na anak na si Angge (Michelle Vito). Gusto pa rin nito na maghiganti sa mga Veradona dahil naniniwala itong sasama sa kanya ang anak kapag mawala na si Tisay.

Pero hindi niya ito magagawa nang walang tulong ng isa pang kaaway ni Ian (Cris Villanueva) – si Matthew (Richard Quan).

Makumbinsi kaya ni Diana si Matthew na patayin ang mga Veradona? Mailantad kaya ang balak ng dalawa?

Panoorin ang pagtatapos ng “Bagong Umaga” sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, at iWantTFC. Sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.