Abante Tonite Interactive

Heaven pinalitan na si Jimuel

1,741

Naging item noon ang hiwalayan nina Heaven Peralejo at senatorial son na si Jimuel Pacquiao.

Nagkaroon pa ng mga malisyosong balita noon na bilmoko girl daw ang actress.

Ngayon, deretsahang sinabi ni Heaven na naka-move on na siya sa hiwalayan blues nila ni Jimuel.

“Of course [naka-move on na]. Never kong ni-regret ‘yung past ko na ‘yun eh so I am really happy sa lahat ng experiences, sa lahat ng natutunan ko with that relationship,”aniya.

Inamin din niya na may bago na siyang inspirasyon na nagpapasaya sa kanya although hindi pa sila opisyal na magdyowa.

Gusto rin daw niyang itago ang identity nito para protektahan ito.

“I just want to keep it in private. Something I learned a year ago was to keep it private para magkaroon ng healthy relationship. But you know, I mean it’s still getting to know stage so wala pang label. “I want to give it more time. Hindi naman ako nagmamadali. Akin kasi, the more na tumatagal, nakikilala mo lalo ‘yung tao so sa akin walang kailangang i-rush kasi gusto ko pa rin mag-focus pa rin sa career. Ayoko rin maging unfair don sa other person ko if magiging [focus] sa career lang ako and yet naging committed ako sa kanya so ano ‘yung sense ng commitment if hindi ko mabibigay ‘yung time ko,” paliwanag niya. (Archie Liao)