Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heaven pumalag sa P100K ni Manny

0 214

NI: ROLDAN CASTRO

Nagalit diumano ang pamilya ni Heaven Peralejo sa isyung humingi ng tulong ang young actress kay Manny Pacquiao. Pinabulaanan ito ng kampo niya.

Ayon sa tsika, nag-text daw si Heaven kay Senator Manny Pacquiao at nagpapaayuda ng P100K.

“Paano magte-text si Heaven kay Manny, hindi niya alam ang number nito? Kahit kay Jinkee (Pacquiao) hindi niya alam,” bungad ni Arlene Amoroto, malapit kay Heaven.

“Ano ba ‘yan? Bakit naman siya hihingi ng pera kay Manny ng pera, tatay niya ba ‘yun? Saka hindi sila nag-uusap,” dagdag pa niya.

Gigil pang sabi ni Arlene, “100% walang katotohanan ‘yan. Kawawa naman si Heaven, kasiraaan niya ‘yan tapos wala siyang kaalam-alam na ginagawan siya ng isyu. Dalawang post lang ni Heaven ng product sa Instagram P100K na, ba’t naman niya gagawin ‘yun?”

Sinabi rin ni Arlene na tinawagan ng ermat ni Heaven si Jimuel Pacquiao (ex ni Heaven) na linawin ang isyu. Alam daw nito ang buong katotohanan.

First time daw itong ginawa ng mother ni Heaven .

Ayon pa kay Arlene, hindi totoong nagkabalikan sina Heaven at Jimuel. nagkikita lang daw sila sa event ng BNY.

Leave A Reply

Your email address will not be published.